Hi guys, share ko lang, just in case gusto niyo rin magpakundisyon ng makina

:
I just had my crosswind tuned up. valve clearance, change oil, palit lahat ng filters. Then finally, nakapag injection nozzle cleaning narin ako

(uling na pala talaga yung nozzles ko) and I had my exhaust pipe flushed. Very satisfying naman ang result kasi nawala na yung makapal ng usok pag umaarangkada ako. Dati kasi, kung hindi maitim, maputi ang usok ng crosswind ko, lalo na pag umaarangkada. Ni-road test ko kanina, at wala ng makapal na usok sa likod kahit todo birit hehehehe. May pag-asa pa pala ang mga smoke-belching crosswinds natin.
