If di ka naman gagala sa Makati area di ka mahuhuli, dun lang kasi marami nanghuhuli na MMDA. Pero if you get the crosswind try adding 2T nakakawala din yun ng black smoke. Ilang beses na rin kasi ako nakakita walang plate pa na sportivo me black smoke na rin kahit brandnew...
Tama si Nelany both crosswind (4JA1-t) and adventure (4d56) ay prone sa black smoke...
^patay pano kaya yan sa makati pa naman trabaho ko. Pano nyo nilulusutan to sirs?
mga sir yung automatic tranny ba ng crosswind eh may option na ma release to manual para in case ma drain battery eh pwede matulak crosswind AT.
Sir, sa diesel fuel ba dinadagdag ang 2t.tama ba?Marami sa mga Crosswind owners na member ng Team Isuzu Pilipinas ang gumagamit ng 2t with ther Crosswind, according to them effective daw nagiging smooth ang takbo ng engine plus nababawasan ang usok.
hmmmm.. halos araw-araw ako sa makati driving my isuzu pero wala pa namang sumisita (knock on wood ). i guess, courtesy of Devil'sOwn!!!nasubukan ko na din once yung 2T kaya lang di ko pa na check kung talagang bawas usok kapag high rpm na.
btw, had "unplanned" replacement of front brake pads (orig TDW to Delta brand) sa Timog Tirehause. Inabot ako mga 2k (inclusive of P500 labor + tips). i know driving-habit dependent pero parang ang aga yata for 35k mileage? sabi nung mechanic mabilis talaga dahil AT.
any suggestions on the brake pads for rear? (preparing for it next)
Daan ka sa C5 Kalayaan sa umaga (from C5 turn right ka sa Kalayaan) at ma che check ka.
Normal wear yung front brake mo sa ganyan milyahe sa Crosswind. Yung likod will take time para ma upod.
Sirs, sa mga nahuli na kahit bago at within the warranty period anong ginagawa nyo? Idadahilan ba sa enforcer na "bago pa yan"?
Pa-share po ng experiences sa mga enforcers and actions made noong nahuli.. Thanks
Hindi ako nagpapahuli sa kanila. Iniiwasan ko sila. Dahil siguro matigas ang ulo ko at dahil sa mga dahilan ko:
1. Dapat huliin din nila ang mga PUV (mas maraming puv na smoke belchers)
2. Taon taon ang rehistro ng mga sasakyan at isa sa requirement ay makapasa sa smoke emission test na ating binayaran. So anong logic ng panghuhuli nila kung narehistro naman ang sasakyan mo.
3. ASBU units are usually under the city/local goverment. Sa pagkakaalam ko hindi nila jurisdiction ang National Roads.
4. Ayaw ko sila pasakayin sa sasakyan ko at hahayaang tapakan ang gas pedal ko, parang attempted car napping ang dating. Kung ang pulis nga sa check point hindi pwedeng basta-basta mag search, ang asbu pa kaya na sasakay sa sasakyan mo.
*japastrana-Sir very informative. Madaming nakakalimot sa mga nabanggit nyo.
Hi mga masters!
I'm planning to buy a used crosswind XTO 2002. May prospect na ko and will buy anytime soon. Pero may hesitations pa din ako dahil sa pagiging automatic nya (napapaisip pa din ako kung manual or matic kukunin ko). I'm a newbie when it comes to diesel engines din, so would like to ask for opinions sa inyo sana.
Kaya ito ang napili ko over the manual:
1. masmura ang used (around 50-100k difference based sa pagca-canvass ko)
2. naisip ko yung difference nila sa price ang magco-compensate sa higher fuel consumption ng matic
2. more comfortable driving
4. turbo and all power vs same model/type na manual (XT, XL, XTO) na hindi pa
Tama po ba ang assumptions ko?
Generally po kase, automatic transmissions have higher maintenance costs. Pero naisip ko built to last naman engines ng isuzu diesel, so in the long run baka sulit pa din.
Final but I think most important consideration: Gagamitin po sya sa business, pang-rota sa mga small food stalls ko around town (for now, pero mage-expand sa ibang locations eventually) and magdadala din ng supplies and equipment once in a while.
Thanks in advance sa mga inputs nyo!![]()