New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 29 of 177 FirstFirst ... 192526272829303132333979129 ... LastLast
Results 281 to 290 of 1770
  1. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    827
    #281
    2007 A/T Crosswind: Is the mileage still pretty darn good?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #282
    Quote Originally Posted by RedHorse View Post
    or wala ka lang madaanan na matulis na humps
    kurek! kahit ano gawin, matatag talga crosswind. that's the downside. the "upside" of that is... kahit puno yung likuran mo, hindi titingala yung hood ng crosswind when it's fully loaded. unlike the mitsu adventure. and swabe na suspension when the crosswind is fully loaded, the rear leaf springs does its job well. at least that's the feedback of a fellow driver who got to ride at the rear when we were travelling.

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    152
    #283
    Quote Originally Posted by rsnald View Post
    kurek! kahit ano gawin, matatag talga crosswind. that's the downside. the "upside" of that is... kahit puno yung likuran mo, hindi titingala yung hood ng crosswind when it's fully loaded. unlike the mitsu adventure. and swabe na suspension when the crosswind is fully loaded, the rear leaf springs does its job well. at least that's the feedback of a fellow driver who got to ride at the rear when we were travelling.
    Kaya ako kapag hinihiram ko yung sportivo ng erpats ko, sinasama ko lahat ng barkada ko! hehehe!

  4. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,710
    #284
    Quote Originally Posted by bugjuices View Post
    *niky

    i gave an example not just the 911 even other cars and suv,auv, that matic is not a lazy one compared to manual.....

    how come that syuryuken said na mabagal daw yung crosswind na matic?sabi mo may delay,does it mean na mabagal yung matic compared sa manual?

    dami kung sample, kung yung mga sasakyan ba na may manual at matic,pareho lang ba sila ng acceleration......

    nacompare ko lang yung mga sportcar kasi it doesnt mean na kapag matic ka mabagal yung acceleration....

    gaano katagal yung a while na sinasabi mo to synch yung transmission sa engine,inaabot ba ng ilang minuto?papano kung binigla ko yung tapak sa gas?bakit nasubukan ko yung company car na isuzu crosswind both manual and matic,na try ko na ito dati,pero sinubukan ko ulit kanina,pareho lang,kahit sa toyota altis ko na matic at manual na altis ng officemate ko pareho lang,kahit yung company car na fortuner at mazda pickup na matic....nakakahiya nga kinulit ko pa yung may hawak ng sasakyan.......

    ehh ano yung mga sinasabi ni syuryuken na mabagal yung acceleration ng matic sa manual,bigyan ninyo naman ako ng proof para majustify.....yung sa crosswind

    nagbasa na nga ako ng review,pareho lang aw yung acceleration minsan mabilis pa yung matic,hindi naman nasagot yung mga tanong ko doon sa unang post ko....hirap ng sabi-sabi lang....

    pero wag na lang, thank you na lang,doon na lang tayo sa ,kung may problema pa sa muffler kung ganun pa rin ba sa crosswind 2007 at may iba pang problema?......
    It's different. It's very different.

    Example: Crosswind MT versus Crosswind AT, parehong XUVi. Yung XUVi MT namin, mga 30-35 seconds from 0-100 km/h. Yung XUVi AT, mga 45 seconds from 0-100 km/h.

    Kung ang basis mo lang ay sa trapik... 0-40 km/h lang... yes, halos patas, pero kung sa highway o sa pag-o-overtake, malaki talaga ang diprensiya. Halos di ka maka-overtake sa mga ibang lugar pag Crosswind AT ang dala mo.

    Ang MT na Crosswind, kung mag-o-overtake ka, downshift ka lang, mag-press ng gas, okay ka na. mag-a-accelerate na. Kung AT na Crosswind, usually may delay ng 1-2 seconds bagong mag-react ang transmission, tapos mas mabagal pa ang pick-up dahil mas mabigat ang transmission (mga 15+ kilos ang torque converter, tapos may "drag" pa galing sa transmission fluid) at mas mahaba ang gearing. So ang overtake mo na 10 seconds sa MT, mga 15-20 seconds sa AT.

    Kahit sa automatic na Civic 2.0, na 5-speed na imbes na 4-speed, mas mabagal pa rin ang pick-up kumpara sa Civic 2.0 MT. Sa pag-testing namin ng lakas ng vehicle na ito sa dynamometer (pang-sukat ng horsepower ng makina), halos 20 hp ang diprensiya ng dalawa... dahil lang sa bigat ng rotating mass ng automatic transmission.

    At malaki ang epekto nito sa fuel consumption sa trapik. Ang 1.6 ko dati ay AT... kasing lakas sa gas kung ikumpara sa tsikot ko ngayon na 2.0 na MT. Yung 2.0 na AT ko nga dati, parang Expedition kung uminom...

    Sa mga nakikita mong review, iba't ibang klase na AT ang mga yun. Kung Volkswagen na DSG o Honda na CVT, halos patas sila sa MT sa bilis at tipid. Sa mga sports cars, hindi mo puwedeng ikumpara sa mga tsikot na mura... dahil ang additional 15-30 kilo ng bigat ng torque converter, halos walang epekto sa makinang may 300-600 hp. Pero kung traditional na AT sa isang pang-araw-araw na tsikot na wala pang 100 hp... malaking bagay siya.

    Also, malaking bagay kung saan yung review. Sa US, mostly diretso ang kalye nila, at mas magaan ang trapik... kaya ang diprensiya sa tipid sa gasolina, maliit lang.

    Kaya, tuwing manual kumpara sa matic' ang usapan... dapat klaro kung anong klaseng tsikot at anong klaseng matic' ang pinapag-usapan.
    Last edited by niky; June 25th, 2007 at 05:36 PM.

    Ang pagbalik ng comeback...

  5. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    7
    #285
    *niky

    mayron akong corona 2.0 AT 97,pinalitan ko pa airfilter,hindi naman kasing lakas ng expedition,kung magexpedition na lang ako parehas lang pala,mahina pala sa gasolina ang V8,meron din akong corolla 1.6 AT 93,meron din tatay ko kung crosswind matic,manual 10sec. and 15 sec. to 20 sec. mabagal pa ba yun, gaano ba kabilis dapat? kung gusto mabilis sports car bilhin mo, mabilis acceleration,15 to 20 sec, even may karga ka,mabagal pa ba yun,sobrang liit ng diperensya, papano kung yung kotse puwedeng manual at automatic?alin ang mabilis ang acceleration?jeep nga hirap mong singitan,kotse na gamit mo,kahit manual yun na isuzu surplus ang luma naman,malalaglag na nga yung katawan,ang hindi ko lang alam kung ano pang bilis hanap ni syuryuken,ang tao nga naman sala sa init sala sa lamig,syempre mumurahin yung crosswind gusto ninyo naman mala sports car.......

    ang pinaguusapan crosswind na matic at manual.....

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #286
    teka teka... cool lang kayo mga pre. wag natin pag-awayan yung overtaking capability or anything at baka ma-close itong thread na to. as the starter of this thread, I would'nt want this closed coz in a sense, may sense of ownership ako sa thread na 'to and I want sana na discussion about crosswind issues, tips and sharing of ideas lang ang ma-discuss dito.

    now, on the issue about overtaking, IMHO, malaking bagay yung 5 to 10 seconds delay, specially sa highway driving. sa stop-and-go traffic, maybe the AT and MT crosswinds may not have much trouble accelerating or making singit, but a 5 second delay in highway overtaking could already mean life and death.

    simple computation pre, a car travelling at 80km/hr is travelling at 22.2 meters per second. The crosswind XUV is about 4.7 meters in length. So in one second, you've already passed about 5 crosswinds or 5 car lengths assuming the car you're passing is stationary. If the car you're passing is travelling at 70 km/hr, then by simple math, you'd need about 2 seconds to safely pass him.

    we can compute and argue about this issue to kingdom come, in the end, the best thing to do is to compare it sa field, .... test drive

    so let's not argue anymore mga pre... peace out na.

    now going back to issues about the crosswind. anyone here already changed their tie rod ends? ang tip ko sa inyo, if you do need to change the tie rod ends, change the whole assembly - Isama nyo na rin yung tie rod bar, not just the ends. I had a near-miss incident because of this. I changed the tie-rod ends but did not change the tie rod bar. What happened was, eventually, the tie-rod bar got disconnected from the new tie rod end (after a lil' over a year), because the threading on the tie rod bar was already worn and it slipped out of the tie-rod end. Very dangerous had it happened while I was driving high speed. fortunately for me, it happened while i was maneuvering out of our grassy garage. Medyo mahal nga lang yung assembly, but put it in perspective, ano ang mas mahal? yung tie-rod assembly or yung magpagawa ng kotse dahil nabangga ka or worse, yung magpa-ospital ka dahil naaksidente ka..or far even worse... errr... basta yun na.

    so again...peace out mga bros. let's get back to the issues and topic of this thread.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,277
    #287
    Quote Originally Posted by rsnald View Post
    we can compute and argue about this issue to kingdom come, in the end, the best thing to do is to compare it sa field, .... test drive


    Mismatch yung ginawa namin ng pinsan ko Crosswind XUV AT vs Hilander XTRM. Naiwan yung pinsan ko

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,931
    #288
    Imo lang kung gusto mo ma feel yung strength ng crosswind w/c is fuel efficiency, e mag manual ka, kasi as it is ang matic hindi kasing tipid ng manual kasi nadidiskartehan sa pag kambyo. Sa manual kasi na crosswind ko ang ginagawa ko basta umabante ng konti 2nd gear agad, konting bilis lang 3rd uli and so forth,para tipid.

    btw san ba ok magpalinis ng A/C ng crosswind, hilaw na lamig sa harap ng unit ko

  9. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,710
    #289
    Quote Originally Posted by rsnald View Post
    we can compute and argue about this issue to kingdom come, in the end, the best thing to do is to compare it sa field, .... test drive
    The problem is this. I have test-driven these vehicles. In total, I've got about 50,000 - 60,000 kilometers worth of driving on four different Hilanders, an SL MT, an XTRM (or is that XTO?) AT, an XUVi MT and an XUVi AT.

    In my experience in mixed urban, highway and mountain driving, the manual Crosswind accelerates faster. Period.

    ------

    RE: 2.0 consumption. I've had three 2.0 cars, and I've driven a whole bunch of others. I've averaged 7 - 8 km/l in traffic in my MT 626, 8 - 9.5 km/l in my MT Lynx 2.0, and about 6 - 7 km/l in my previous 2.0 AT Sentra. My uncle's 2.0 Civic AT gets about 6 - 7, too. Maybe "Expedition level" is an exaggeration, but the effects of transmission type on fuel consumption isn't imaginary, nor is it negligible in Metro traffic. (that's the last Off-topic for me)
    Last edited by niky; June 27th, 2007 at 01:58 PM.

    Ang pagbalik ng comeback...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #290
    Quote Originally Posted by niky View Post
    The problem is this. I have test-driven these vehicles. In total, I've got about 50,000 - 60,000 kilometers worth of driving on four different Hilanders, an SL MT, an XTRM (or is that XTO?) AT, an XUVi MT and an XUVi AT.

    In my experience in mixed urban, highway and mountain driving, the manual Crosswind accelerates faster. Period.
    yun naman pala eh so mr bugjuice... take it from someone who has actually field tested it. ;)

    *niky - inggit ako sa yo ah. you have all 4 hilanders? me, i have 165,000 km worth of driving but on one vehicle only hehehe

Tags for this Thread

Isuzu Crosswind Owners Thread [ARCHIVED]