Pinag mamasdan ko kasi yung pics ng KDM at USDM. Walang ganun.
yung tucson ko lumabas na din ung problem, kumatok yung makina last week, hindi ko alam bakit nagkaganun yung engine, maganda naman performance nya bago kumatok ung makina. ginawa ko pinatay ko muna sandali tapos start ko ulit yung engine, medyo humina yung knocking sound tapos unti unti naman nawala habang tumataas ung temperature gauge. after nun hindi na naulit ulit pero meron pa rin ako naririnig paminsan minsan na knocking sound pero napakahina na lang. sa tingin nyo? ano kaya problema ng unit ko?![]()
sir v-power or blaze lang po gamit ng tucson ko, maganda at malakas pa yung hatak nya before mag knock yung engine. yung knocking sound na sinasabi ko e parang tunog talaga ng kumatok na makina.
napansin ko ngayon humina na yung hatak nya after mangyari yun.
nainform ko na yung hyundai baliuag tungkol sa problem ng tucson ko, ang sabi sakin baka sa engine oil daw na nilagay e baka mineral oil lang, mukhang totoo nga kasi last 10k pms ko almost 5k pesos lang binayaran ko sa hyundai e.rod, nag inquire ako nung time na yun halos lahat ng casa nasa 7k to 8k pesos.
ganito din nangyari sa tucson ko. after 1k PMS lumabas yung knocking sound. ang suggestion ng casa is try daw semi-synthetic on 5k PMS since mineral oil nga nilagay nila nun 1k PMS. actually nagpalit na ako ng semi-synthetic na shell but meron pa rin konti although malaki improvement sa hatak and fuel consumption. nasa 3.3k kms na and baka hintayin ko na lang 5k PMS to change to fully synthetic 5w30 or 10w30 oil. it seems medyo sensitive yun Theta engine sa oil type and viscosity. may nabasa din ako na replacement filters can cause engine knocking sound on Theta engine pero nung chineck ko orig naman yun oil filter na kinabit. sana nga mawala na yung tope after 5k PMS. Paki-updete na lang din sir pag nauna nyo naresolve yun problem. hope hindi naman major problem ito sa engine. thanks!
mike18 i remember that alias way way back sa 2008 sa Hyundai sta fe thread, di ba ikaw yun galit na galit sa Hyundai namin noon araw. bumili ka ng Tucson?
is it me or there are just too many aliases now capitalizing on the issue of the alleged engine knocking or engine shutdown of the gasoline Hyundai Tucson.
hanggang ngaun di pa ako naniniwala dyan na a simple gasoline engine papalpak ang Hyundai. parang may demo job ah. sa diesel maintindihan ko pa kasi may halo talaga. ako nga nakapaglagay ng may halo na diesel sa STa fe ko <no choice eh kelangan ko magpa-gas sa isang lugar na i dont frequent), maingay ang engine pero never namatayan or knocking.
hindi ako yung nagpost sa sf thread nyo bro, pwede mo ba repost mo dito kung ano sinabi ko dun? ang alam ko nagpost ako wayback 2008 sa thread ng hyundai pero hindi sa sf thread, tungkol sa MANGGAGANTSONG SYSTEMA NG JUNO CARS INC.(hyundai shaw), ang problem ko dun is 24% interest rate ang usapan for 4 years pero yung pirmahan na ng contract naging parang 28% or 29% hindi ko na maalala, and 2008 ang usapan namin bago magpirmahan pero pilit na pinapipirma sa amin is 2007, hanapin mo na lang dun sa thread ng hyundai para malaman mo details, documented yun dahil nagbigay pa mismo president ng juno cars kay sir jedi ng kanilang position letter.
isa pa, thread ito ng issues sa tucson bakit ka nagcocoment ng wala ka namang tucson? masmarunong ka pa sa may ari ng kotse at dun mismo sa kotse, hindi ka makapaniwala kasi wala ka namang tucson! simple as that bro, bumili ka muna bago ka magsabi na demolition job!
speaking of demolition job, sabi mo "way back 2008" nabasa mo sa sf thread nyo na "galit na galit ako sa Hyundai nyo?" hyundai nyo?pero nakalagay sa profile mo july 2010 ka lang nag join, hindi kaya ikaw attack dog ng JUNO, o kaya e ikaw yung manager na nasibak nung time na yun dahil sa complain ko kaya ka ganyan? tsk tsk talagang sama ng loob nyo sakin no? more than 2 years na hindi nyo pa din ako makalimutan?
isa pa nga pala, wala naman ako galit sa hari or any Hyundai vehicle, puring puri ko nga ang Tucson ko from 1st day nabili ko till now, lalong lalo na sa fuel consumption tsaka sa power, nagkataon lang na kumatok ung makina last week but its already back to normal as of now. Despite of the minor problem na na encounter ko sa Tucson, last Tuesday lang bumili ako ng brand new Hyundai Grand Starex.![]()
sir ayon sa mga nabasa ko or assumption ko marami kayong sasakyan pero ang simpleng "pinging" or "tope" term hindi niyo alam hehe.kapag kumatok ang makina in short overhaul na ang makina niyo (which is impossible naman haha).
simply gas up with 95+ RON gas. idagdag ko na rin, hindi basta totope ang engine dahil lang sa engine oil, pero kung kulang sa fuel octane rating totope nga.
Oo nga sir medyo mali nga ata term na sinabi ko, and aminado naman ako na wala ako gaano alam sa mga term na ginagamit ng mga expert dahil hindi ko naman sinasabi na expert ako, marami nga kaming sasakyan pero hindi ibig sabihin nun e dapat marunong ka din dapat sa mga sinasabi mong simple terms, hindi po lahat ng assumption e tama, wla kasi ako hilig na kamalikot ng sasakyan, kaya nga po ako nagtatanong dito sa thread diba? pero ang sakin e yung katok as in parang may nag uumpugan na hard objects dun sa makina kaya nasabi ko knocking sounds.
tungkol naman sa sinasabi mong gas, sinabi ko na po sa previous post ko na v-power or blaze lang gamit ko, kung may masmaganda pa po dun pwede po ba malaman?
and after po ng 15k pms ko kahapon, kahit konting annoying sound wala na ako narinig as in parang brand new na ulit.kaya sa tingin ko tama yung sabi sakin ng service advisor ng casa, wala po sa gas problem.
![]()
ang alam ko naka-fortuner yan si mike18 eh pero never nya in-acknowledge yun problema ng D4D