Guys in fairness sa mga PUJ or PUV or other means of public transpo, hindi lahat ng public transpo driver walang disiplina sa daan. Maraming katulad nilang PUJ driver ang galit sa kapwa nila driver dahil sa hindi magandang asal sa daan. Maraming dahilan kung bakit sila ganuon, "chicken and egg" ika nga. Parang magulang sa anak, or gobyerno sa mamamayan.

Meron din namang AIM graduate, Masteral degree holder, hi profile personality, public official or general ang bastos, balasubas at abusado sa daan.

For me ang solution is proper governance. Kung hindi sana naghihirap ang marami sa mga Pilipino dahil sa maraming corrupt na official, sana hindi ganuon kahirap para sa isang simpleng Pedro na PUJ driver ang buhay. Hindi sana sya nagkukumahog kitain ang mahal na boundary, makipagsiksikan pa para naman sa kanyang pamilya.

I was a PUJ driver before during my college days, sumusonod ako sa batas trapiko, nirerespeto ang kapwa ko driver, naka PUJ man AUV or SUV.