sa mga dumadaan sa makati near the makati-manila border (eg, sta.ana race track at sa may pasong tamo near shopwise), may mga public tricycles na ang namamasada e nakasuot ng uniform ng traffic enforcers ng MAPSA (yung yellow). naknampating! e sinong manghuhuli sa mga kalintikan niyan sa pagmamaneho kung sila na mismo ang traffic enforcers?
nagbabayad ba ang mga traffic enforcers ng pamasahe kapag sumasakay ng PUJ? isang beses ay may sinusundan akong PUJ na may nakasakay na apat na traffic enforcers. maya-maya lamang ay biglang tumigil sa gitna ng daan ang PUJ at nagsibabaan ang mga traffic enforcers. ulitin ko: sa gitna pa mismo ng intersection tumigil ang PUJ. siyempre this caused a whole lot of traffic sa intersection. pero may ginawa ba ang apat (APAT!) na traffic enforcers sa PUJ driver? wala. nag-saludohan pa ata ang mga kumag.