Same thing happend to me last week. May pabilog na parking dito sa SM Baguio (alam niyo siguro ito pag andito kayo sa baguio) at since pabilog nga ang parking..mahirap pumuwesto. May isang nagmamadaling magparada at laging bumubusina na mit adventure. Cool lang muna ako. Nung naipwesto ko na oto ko lalong nagbusina at sinabihan ako na idikit ko pa sasakyan ko dun sa likod ng isa pang oto. Sabi ko naman 'di na po pwede di na ako makakalabas niyan sir' (halos 1 foot na nga lang distance namin dun sa isa)..lalo lang akong sinigawan at sinabing "umalis ka na lang diyan at ako ang paparada ng makita mo. Kasya pa isang sasakyan jan." Nagpintig ang tenga ko at pati bayaw ko bumaba na ng sasakyan. Nung nakita atang may kasama ako lumipat na siya sa ibang mapaparadahan na maluwag. Sa kamamadali niya, tinamaan niya sa harap yung honda city habang paatras siya. Deadma lang at alis na agad matapos sila mag usap ng guard. Kinausap ako nung guard pagkatapos at sinabing hindi talaga pwedeng mangyatri ang gusto nung mama. Considerasyon lang sana. Kahit ba manager siya ng SM o ano pa siya doon, hindi lahat ng lugar sa kanya. Medyo matanda na nga eh. Dapat alam niya basic courtesy. Sabi ko nga rin sa sarili ko ganitong pag uugali ang nag tri trigger ng 'road rage'. Marami pa man din akong nababalitaan na nagkakamatayan dahil lang sa parking...![]()






Reply With Quote