New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 45

Threaded View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    699
    #16
    btw, may driver ako. at noong una e medyo kakaiba ito magmaneho. medyo naayos ko na siya pero matagal na proseso ang dinaanan namin. (kahit nga ako e nakukulitan na sa sarili kong boses sa pag-correct sa mga kamalian niya.) bottomline: ang dami niyang hindi talaga naiintindihan sa mga "common sense rules" sa kalye. and to think more than 10 years na itong nagmamaneho?

    hindi niya naiintindihan ang right-of-way (basta na-i-nguso na niya ang kotse sa lane, dapat pagbigyan na siya). hindi siya conscious na kung mag-u-u-turn e dapat doon sa lugar na hindi siya masyadong makaka-abala sa traffic (kung saan niya gustong mag-uturn, kahit masikip at madaming dumadaan, doon siya). hindi niya naiintidihan ang mga lane sa kalye (palipat-lipat siya lagi ng lane - for some reason, hindi niya naiintidihan kung para saan ang mga puting pintura sa kalye). hindi niya naiintidihan na mag-low beam dapat kapag may kasalubong na sasakyan. hindi siya kumukurba kapag lumiliko. more importantly, hindi siya sumusunod sa lane niya kapag lumiliko. mind you, this is my third driver. the first two before him were much much worse.

    note that this guy is a "professional" driver. lagi kong tinatanong sa kanya kung paano siya pumasa sa exam sa LTO considering na andami niyang hindi alam sa kalye. ngumingiti lang siya.

    what is my point? of the three drivers i had (present one included), lahat sila ay hindi nakaka-intindi ng mga "common sense rules" sa kalye. that's 100% (eg 3 out of 3). now, its a known fact na may considerable number ng PUJ at public tricycle drivers na walang lisensiya. paano pa kaya ang mga ito?
    Last edited by smooth; December 14th, 2006 at 10:38 AM.

Public Utility "Driver"