sir,meron kasi ako problema ngayon, its about the diesel injection pump ng toyota lucida ng office...ganito kasi ngayari...after ondoy eh ginawa palang bangka ung oto,inilusong sa baha after nun nag hard starting siya, Masisira talaga yan dahil ginawang bangka ang kotse.

so pinatingin sa mekaniko,ayun di check yung makina,wala daw kuryente yung injection pump so tumawag ng electrician,check yung computer box baka kasi yun ang sira,eventually nagkakuryente,di inistart ayun gumana yung makina,after ilang test, biglang naputol yung timing belt..nakow...binuksan yung overhead, putol ang camshaft, baluktot 3 valve and may tama yung 3 valve lifter,so pinaayos yun at bumila ng mg pyesa. Poor maintenance. Dapat pinapalitan ang timing belt on schedule.

so ok na,eto ngayon bago pa pala nabaha eh nakargahan ng gear oil yung makina instead na engine oil...Hay naku. bakit ganyan ang mga tao nyo?

bumili na rin ako ng surplus na injection pump Bakit ka bumili ng IP? Pwede naman ma repair yan.

ang kaso hindi daw consistent yung buga ng krudo...ipa calibrate daw... Paano kaya nalaman ng mekaniko ma na hindi consistent ang buga? May test equipment ba sha? Ibalik mo sa tindahan ang injection pump at papalitan mo kung sira talaga. Wala ba silang warranty?

ang kaso wala nagcacalibrate dito sa cavite na alam ko puro mechanical lang, Dalhin mo ang IP sa Manila. Pwede ma repair yan.

sabi naman dun sa isang calibration shop ipa check ko daw yung computer box kasi baka yun daw ang sira, Paano naman nahulaan ng calibration shop na sira ang computer box?

tanong ko lang paano ba ang gagawin ko? Palitan or turuan ang mga driver at maintenance personnel nyo. Sisirain nila lahat ng sasakyan ng kumpanya.

cant read back kasi medyo mahaba na itong thread and medyo nagmamadali na ung boss ko...is it the injection pump ba or the computer box? I don't know. HIndi natin ito kaya idiagnose basse sa post mo lang.

ano pwede remedy or solution sa prob na ito...tia. Dalhin mo ang Lucida sa matinong workshop, hindi sa manghuhula. Kawawa ka naman.