New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 62 of 158 FirstFirst ... 125258596061626364656672112 ... LastLast
Results 611 to 620 of 1576
  1. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    639
    #611
    Quote Originally Posted by Hamtaro View Post
    Lahat ng sasakyan dito sa bahay ay manual. Usual na dinadaan ko Ortigas or Marcos Highway. Hehe. Ayun. Nakasubok na ko ng AT once. Pinapaabante saken yung Lynx ng officemate ko dahil may binili sya sa Select, first time ko humawak ng AT na sasakyan. Ganun pala yun, pag inapakan mo lang yung preno habang nakatigil ka pa tsaka mo lang malilipat yung gear from P to D. hehe.
    same here. nasubukan ko lang i-park nung nakantsawan ako ng kakilala ko na naka-a/t. puro m/t lang talaga ako. in my opinion, parang go kart lang kasi kapag a/t. walang thrill.

  2. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    5,592
    #612
    Quote Originally Posted by beereo View Post
    same here. nasubukan ko lang i-park nung nakantsawan ako ng kakilala ko na naka-a/t. puro m/t lang talaga ako. in my opinion, parang go kart lang kasi kapag a/t. walang thrill.
    A/T or M/T, there's nothing thrilling about driving in Metro Manila, anyway. Kaliwa't kanan ang traffic. :D

  3. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    3,938
    #613
    Quote Originally Posted by beereo View Post
    same here. nasubukan ko lang i-park nung nakantsawan ako ng kakilala ko na naka-a/t. puro m/t lang talaga ako. in my opinion, parang go kart lang kasi kapag a/t. walang thrill.
    Ang thrill sa pag-drive ng A/T ride ay kapag pinauusukan ko na yung mga naka-M/T.

    [SIZE=1]618/3,896(3,873 + 23 missing)[/SIZE]

  4. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    29
    #614
    Tama. Hehe. Nothing beats Metro Manila traffic. :D

    Hahaha. Pinausukan? With A/T on a straight road? The car drives you. Not you driving the car. Anyway, mas malalakas engine ng mga A/T dahil mostly sa top of the line models sya nilalagay. Try drifting on A/T. Hehe.

  5. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    3,938
    #615
    Quote Originally Posted by Hamtaro View Post
    Tama. Hehe. Nothing beats Metro Manila traffic. :D

    Hahaha. Pinausukan? With A/T on a straight road? The car drives you. Not you driving the car.
    The car drives you, hmmm... maybe. So you can sleep, then? No more paying attention to the pedals and the steering wheel?

    Anyway, mas malalakas engine ng mga A/T dahil mostly sa top of the line models sya nilalagay. Try drifting on A/T. Hehe.
    Nah, I would never do drifting intentionally. Kawawa ang sasakyan at gulong. Watching drifting cars makes me cringe.

    [SIZE=1]620/3,897(3,874 + 23 missing) [/SIZE]

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #616
    Quote Originally Posted by woohoo View Post

    Nah, I would never do drifting intentionally. Kawawa ang sasakyan at gulong. Watching drifting cars makes me cringe.

    [SIZE=1]620/3,897(3,874 + 23 missing) [/SIZE]
    Tomoo.. bakit pa kelangan i-drift? showoff na masyado...

    Anyway, back to topic... A/T for me.. looking forward to drive that 8spd hehehe

  7. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #617
    Sakin depende, pag city A/T, pag mostly 2-way traffic on 2 lane hi-way (yung lagi ka nag o-overtake) at uphill/downhill sa M/T ako

  8. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,173
    #618
    kami may A/T and M/T,

    yung revo namin M/T taz yung akin naman yung legacy a/t, well, mas gusto ko laging gamitin yung revo although malakas sa gas,

    kasi, puro uphill dito samin, kawawa ang A/t dito, kaya minsan i take other routes kapag gamit ko yung legacy yung mas mababa ang inclines, di kasi tatagal a/t dito kailangan laging alaga kung iaakyat/panaog mo dito sa lugar namin,



    tama, pero kung straight lang at rektahan. favor ako sa A/T. Over-all M/t talaga ako kasi dito ako unang natuto. ok naman sakin kahit ano dalhin ko e.

  9. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    5
    #619
    Quote Originally Posted by shadow3616931 View Post
    Sakin depende, pag city A/T, pag mostly 2-way traffic on 2 lane hi-way (yung lagi ka nag o-overtake) at uphill/downhill sa M/T ako

    Wala naman atang pagkakaiba kung naka M/T or A/T ka sa uphill or downhill ah. Pag paakyat, syempre low gear lang pipiliin ng sasakyan, pag pababa naman, pwede mo namang i-lock yung gear let's say, upto 1st gear or upto 2nd gear lang para mag engine brake at mabawasan ang pag apak sa preno.

    Hindi ko rin magets kung bakit mas lamang ang M/T sa pag oovertake. Di ba't pag inapakan mo ng husto ang gas sa matic eh bibilis ka at makaka overtake? Mas convenient pa nga ito kaysa sa M/T, kasi pag sa M/T, depende sa kasalukuyang bilis ng takbo, baka kailanganin mong mag down shift kung wala ka pa sa torque band nung current gear mo para lang maka arangkada kaagad.

    Pag naman kailangan mong mag menor, eh pareho lang namang ginagamitan ng brake, so bakit sinasabi ng iba ng pag matic, brake ang nalalaspag, pag manual, yung clutch lang? Baka sila yung nag eengine brake na hindi na gumagamit ng preno para imatch yung bilis dun sa gear na binababaan nila. Yung iba nga nakikita ko, nilalagay pa sa neutral para daw makatipid sa gas. Ano kayang gas ang matitipid dun... Tapos pakadyot kadyot kung pumreno, sakit sa ulo, bakit kaya hindi mag down shift para smooth ang pag bagal.

    Pag traffic naman like ngayon gamit ko ang manual pagpasok sa work, may mga tinuklas akong short cut para iwas sa traffic.


    Bottomline, sa makabagong teknolohiya ng mga matic ngayon eh wala na masyadong pinagkaiba sa kakayahan ng mga manual, maliban na lang pag tumirik at kailangan itulak para umandar.

    Kung gustong maging convenient sa pag da drive sa traffic, eh umiwas na lang nang tuluyan at humanap ng ibang daan.

    Kaya kung ako ang tatanungin, M/T or A/T.. sa A/T na ko kung kaya naman magdagdag ng konti sa pambayad.

    Puro porma naman kasi yung iba, porke't naka manual kala mo magaling na talaga... Madali namang matutunan pareho yun eh. Ang importante marunong ka sa mga rules of the road. Yung iba di naman marunong sa mga rules of the road eh.. Wala nang signal signal at tingin sa shoulder pag nag change lane. Mag sasudden stop, hindi naman i-oon ang hazard... Nasa passing lane, ayaw mag give way. Paahon ang daan, di gumagamit ng handbreak kaya tuloy lagi umaatras ang sasakyan pag aandar na. Tapos lumilipat ng linya nang bara bara.. Inilawan mo na't binusinahan, sige pa rin... Nakow, kung sa ibang bansa yan at nagkabanggaan kayo, siguradong ikaw na nag change lane nang alanganin ang may kasalanan. Dito sa pinas hindi uso yun eh.. Sabi nga ng tito ko, uluhan daw dito. Walang priority priority.

  10. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #620
    Quote Originally Posted by kotsi123 View Post
    Wala naman atang pagkakaiba kung naka M/T or A/T ka sa uphill or downhill ah. Pag paakyat, syempre low gear lang pipiliin ng sasakyan, pag pababa naman, pwede mo namang i-lock yung gear let's say, upto 1st gear or upto 2nd gear lang para mag engine brake at mabawasan ang pag apak sa preno.

    Hindi ko rin magets kung bakit mas lamang ang M/T sa pag oovertake. Di ba't pag inapakan mo ng husto ang gas sa matic eh bibilis ka at makaka overtake? Mas convenient pa nga ito kaysa sa M/T, kasi pag sa M/T, depende sa kasalukuyang bilis ng takbo, baka kailanganin mong mag down shift kung wala ka pa sa torque band nung current gear mo para lang maka arangkada kaagad.
    Nakakabitin ang matic bro... pag A/T reactive late na bago mag shift minsan kelangan pang mag O/D off pero pag namali timing mag hi-hi rev lang wala gano hatak. May instances kahit anong apak mo ayaw mag shift. Kaya pag uphill/downhill ginagamit ko 3(o/d off), 2, L... so para narin ako nag manual.

    Pag M/T proactive, pwede shift ka na agad kung alam mong aakyat ka o mag oovertake so ma pe-perfect mo timing.

    Kaya nga nauuso sportronic/paddle shifter yung pwede mag matic at manual.

    Na gets mo

Tags for this Thread

Battle of the Transmissions: M/T vs. A/T