
Originally Posted by
olinortep
Good Day Fellow Innova Owners!
Now lang uli ako naglog-on dito sa thread, medyo naging busy sa work dito sa Qatar,naisipan ko maglog-on kasi un Innova G D4D A/T unit namin na nabili last October 22, 2007 ay may maitim na usok. Di ako nagkamali, marami na palang may kaso ng maitim na usok na mababasa dito sa thread, nadala na sa casa 'yung unit namin 2 weeks ago pero ang sinabing ginawa lang eh change oil kahit di pa dapat i-change oil kasi 3,700km pa lang ang natakbo, dapat sa 5k pa ang due ng change oil, di naman sinabi kung nire-program nila ang ECU tulad na sinasabi ni SGT. Pepper, 6 days din sa Toyota 'yung unit, nawala naman ang maitim na usok nung mailabas sa casa, sabi ng taga Toyota itakbo lang ng malayo kasi sabi ng wife ko di naitatakbo ng mabilis dahil ginagamit lang panghatid sa school, naitakbo naman ng mabilis nung nagpunta sa Tagaytay kaso now may maitim na usok na naman, itinawag ng wife ko sa Toyota, sabi ibalik uli sa kanila. Whew! panibagong abala na naman!!! Swertehan nga yata sa unit, kasi yung unit ng pinsan ng wife ko almost 3 years na at un gamit ng bayaw ko more than a year na di naman umitim ang usok, pareho ding D4D A/T unit nila. Lagi sa Shell kami nagpapakarga ng gas, may kinalaman nga kaya ang gas sa issue ng maitim na usok or talagang may tyempo na may problema sa D4D engine? It seems, wala pang solusyon ang Toyota sa issue ng maitim na usok?
Panawagan po sa lahat ng may problema sa maitim na usok, magtulungan po tayo para malaman natin talaga ang totoong dahilan kung bakit 'yung unit natin eh may maitim na usok samantalang 'yung sa iba naman eh wala!
Nilo