
Originally Posted by
Flipo
Bakit mahilig dumura ang mga tao sa China?
Nung nakapunta ako doon ng mga ilang taon ng dumaan ay nagtaka ako.
Ang dami dumudura kahit saan. At di lang yung simpleng dura, yung talagang hinahagod pa sa lalamunan yung plema bago dinudura. Pasensya ha sa kumakain.
Pero talagang shock na shock ako dahil kahit bata o matanda basta biglang dudura. Kahit nga yung babaeng kay ganda ganda na ay ganun pa rin. Akala ko nga may ambun nung sang beses may tumalsik sa braso ko. Nako ay talagang nagpigil lang ako!
Nung pumasok kami sa pinaka-mataas na building sa buong China, may bar doon sa pinakamataas na level, so diba ang sosyal na? Pero sa loob ng bar sa tabi ng bawat lamesa ay may pwede silang duraan!
So habang nasa bar kami, hala putok ng putok yung mga dura!
Actually na-ituro na po ito sa akin nung gradeschool pa ako kung bakit. Pero iba talaga kapag nakita mo na.
Para sa kanila kasi na ang plema ay mas dapat idura kaysa ilunon dahil dirty nga. Nung tinanong ko yung tourist guide yun nga ang sabi niya, ang paniniwala nila ay “better out, than in”.
Ayaw din nila yung panyo na siningahan mo ng sipon tapos ibabalik mo sa bulsa, dahil kadiri daw yun. Dapat release na kaagad wala ng panyo panyo. Sorry ha, sa kumakain.
Di po sa sinisiraan ko sila. Ito po ay isang pawang katotohanan, magkaiba lang talaga ang mga kultura at paniniwala natin kaya parang weird. Pero somehow magkatulad yung layunin natin na gusto natin na maging malinis pero magkaiba lang ang teknik. So ang tanong kanino kayang kultura ang tama? Sa ngayong panahon ng Covid 19 ay mas masasabi talaga natin na tayo ang tama. Dami nang namatay, nabulabog pa ang boong mundo, mahihiya pa ba akong magcorrect ng maling praktis?
Ang tanong kasi na bakit ang bilis kumalat ng Covid sa Wuhan? Sa palagay ko ay ito ang isa sa malaking sagot: pagdudura kahit saan.
Sa dami ng dumudura, milyun milyun syempre malaking chance na matatapakan mo yun. Kung pinasok ang sapatos sa bahay ay di syempre yung virus ay nasa sahig na! So konteng gapang lang o hawak sa paa ay nasa kamay na. Kuskos sa mata, pasok sa ilong o subo sa bibig ay homerun na!
Syempre kung sa bar ay kailangan pa nilang dumura? Ano nalang ang sa bahay? Syempre dudura din sila doon.
Ngayon ito ay isang kaugalian. Mahirap po ito baguhin isang araw.
Katulad natin, kunwari pipilitin natin sarili natin na dumura kahit saan dahil better out than in, kaya mo ba yun? Mahirap. Ganun din sa kanila. Kahit sasabihan na sila ngayon na don’t spit, ang hirap nun, kung nasanay ka na.
Bakit ko ito sinulat? Para manlait? Hindi po. Para magbigay ng aral at para pampagaan ng kalooban. Aral na lalo pa po nating ipatuloy ang di pagdura ng kahit saan, pagamit ng panyo kung uubo o babahing, pagtangal ng sapatos kung papasok sa bahay.
Pampagaan ng loob dahil, alam natin na karamihan sa atin ay di dumudura kahit saan saan. Ibig sabihin nun ay mas less ang chance na kumalat ang Covid sa ating bansa. At sana lalo pang pagtibayin ng mga ordinansa gaya ng “multa sa dudura”.
Pagdasal po natin ang China. Sino ba ang mag-aakala na kaugalian na nilang dumura ay maging rason pa na mabilis na pagkalat ni virus. Tinuro lang naman ito ng kanilang mga kanunuan.
Umunlad na sila’t umasenso subalit hindi pa rin ito nabago. Naway mabago na nila upang di na ito maulit na muli. Naniniwala akong mababago, gaya ng Hongkong, di sila ganun.
Salamat.
Dr. Richard Mata
Pedia
Like and Share