Mga boss, is there a way to program this thing to alarm or punch me in the face when I try to drive it with the hand brake engaged? :banghead:
I still need to force myself to make it a habit to look at the screen to monitor warnings. >>:->
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
Ok yan bro, kahit man lang sana alam kagaya ng pag naiwan mong bukas yung park light.
Last time na nag-inquire ako ng mga "changes sa standard settings", wala pang linaw, ang malinaw lang e may bayad daw!
For the mean time sa problema mo, pagaralan mo yung normal na arangkada ng ASX, try to feel the gas, at yung angal ng makina. Mostly sa patag pag release mo ng footbrake ay aandar na yan, kung unpaved ang road konting apak lang sa gas. Pag umaapak ka ng ng mas malalim sa normal, check agad ang handbrake.
Lastly, gawin mong habit na right after na mai-start ang car, release na agad ang handbrake since nakaapak ka naman na sa footbrake.
Meron na bang nagpa-allign ng ASX?
Ibig ko sanang malaman ang data?
Thanks...
mga sir, uuwi po ako ng pilipinas in 2 weeks at gusto ko sanang bumili ng mga accessories para sa ASX ko gaya ng front fog lights. saan po ba ako pwede makabili around Marikina/Manila?
Thanking you all in advance![]()
Nung nagpa-paint protection ako sa Big Bert's last Saturday, napansin nila na tadtad ng bula ang tint ko. Ininform ko Diamond Valle Verde pero ang sabi saken maghintay daw ako nang 1 month for the drying.Sabi ko according to the 3M website, 3 days lang ang drying time! Besides, 14 days na since in-apply nila 'yung tint. OK daw, dalhin ko raw bukas.
To think na pinag-dagdag nila ako ng P4,000+ para sa magic tint upgrade na 'yan from FX.![]()
another way eh kausapin yung mag iinstall, na gawin ng maayos at may incentive siya. although sakin eh sa labas na ininstall yung tint, pinag snack ko muna yung 2 nag install, basta bilin ko lang ayusin yung gawa. napaka linis nung pagka install, mcdo value meal lang katapat
Dadaan ako bukas nang 8 a.m. pagbukas na pabbukas nila dahil may pasok ako sa Makati nang 9 a.m. Hassle talaga! Ibig sabihin kailangan ko iwan, tama ba? Iche-check ko ulit mamaya kung may bubbles sa rear window -- sana wala masyado. Pero kung kaunti lang would you suggest redoing it or just leaving it given the risk to the defogger? Pero sa side windows madami talaga at meron din konti sa windshield.
Scape-goat na nila yung 1month, pag may bula kahit 1yr pa yan hindi na mawawala, except tusukin mo ng karayom para mawala yung hangin at umimpis yung bula.
Hindi lang nila hinagod ng mabuti habang nilalapat, hindi rin sinipat mabuti or hindi proper ang illumination sa pinagtrabahuhan nila.
Lesson learned na yan Bro, pero kung right after ng trabaho nila at nasipat mo rin, pwede mong hindi tanggapin yung work nila, worse hindi bayaran.
Yung una kong pa-tint sa evangelista, may hindi maganda ang dikit sa likod, hindi ko hinusto ang bayad. Hindi sila makareklamo kasi may palpak sa work nila.
Another feature unlock sa ASX, page 1-26.
1press sa smart key, driver door lang mag-a-unlock, 2consecutive press para ma-unlock ang all doors.
Akala ko hindi pupwede dahil iti-nry ko na before yung sequence pero unsuccessfull lang pala. This time, nagwork na.
Ibig ko rin sanang palitan yung sequence specially sa alarm time delay pero Casa daw ang may sequence at manggagaling pa daw sa planta ang code!
Foglamps, sigurado meron sa casa. Pero try mo rin sa banawe, either generic or kung saan man galing. (smiley) (sigurado kasi sa casa e may kamahalan)
Visor, car cover, back up camera, speaker.. Winterpine sa G. Araneta meron nyan. Plus, headrest monitor. (mas mura itong mga ito kumpara sa casa)
Larry, why did you sell your ASX? What did you replace it with? Thanks.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2