Depende rin siguro sa industry na papasukan mo. In our industry (Pharma-manufacturing; not the botika or hospital industry), walang pakialam ang employer kung graduate ka ng UP Manila, UST, Adamson, EAC or saang university pa yan sa probinsiya. Sa mata nila, as long as nakapasa ka sa board exam may panlaban ka na. Pare pareho lang naman kayo marunong humawak at magtimpla ng chemicals.
I used to be a management trainee ng one of the largest toll manufacturer dito sa Pinas. mas prefer ng HR yung applicant (fresh grad or experienced) na galing sa probinsiya or yung applicant na galing sa mahirap na pamilya kesa dun sa applicant na de-kotse at graduate sa maynila. Mas nakakatagal at nakakatiis daw kasi sa pressure at strss yung mga applicant na galing sa hirap. Sa 12 na MT, 3 lang yata kaming graduate sa Manila.