isuzu hilander xtreme ko sira ang power window, i mean nawawala, minsan meron minsan wala, sa main yung may sira kaya ngayon hindi ko na sya ginagalaw, puro yung side at passenger windows na lang ang inoopen ko, ano kaya sira nito and saan pede magawa muntinlupa area at magkano kaya aabutin, tnx
kung Q.C. nandyan yung Bosch-Central Diesel along quezon ave.
Meron din sa dagat-dagatan ave. yung Bosch Malabon-diesel center
*alfred311 try mo i-clean yung socket ng power window switch with contact cleaner... just remove the three screws dun driver side arm rest and you can access the socket...
Gandang umaga po mga bossing....i need your advice...re: sa fuel consumption ng sasakyan ko(isuzu xtrm'00)....
napalinisan ko na ung injection pump....bago din yung fuel filter...napansin ko din sa umaga pag ka start ko...mababa ang idle pero hindi siya namamatay..one click naman pag start ..tapos unti unting tumataas sa rpm..hanggang mag normalize yung andar niya......ok naman po ang performance...pero ang problema ko...lumakas din ang konsumo sa krudo... 8-10 km/l...kahit na nag aaverage lang ako ng 60 kph..sa highway....ewan ko lang kung nasa range or normal pa yung consumption ng sasakyan ko considering na 11 yrs. old na rin itong sasakyan..are there any remedies or options or ways para at least ma minimize ung pag konsumo ng krudo....salamat po ng marami...God bless po....
hello mga sirs..
may mabigat na problem ang aking '97 hilander slx.. 161k km na..
kakapagawa ko lang ng injection pump sa St. Isabel sa Zapote after nun nawala tlga matinding usok.
tapos ito naman nangyari:
Symptoms:
-lumalabas ang oil sa dipstick tube..(hnd lang tumatalsik, as in bumubulwak kahit unang start pa lang. hnd din sya overfilling)
-pressure sa oil filling cap kapag nakabukas habang umaandar.. (pero walang usok at oil na lumalabas)
-mahina humatak..(lalo na sa 3rd gear kahit apakan ng matindi ayaw umarangkada)
-maayos naman ang tunog sa idle or kahit tumatakbo
-WALA bawas sa engine oil, so hnd nagsusunog ng oil
-WALA din bawas ang tubig sa radiator
-WALA din puting usok sa muffler
ano po kaya ang problema?? pls help.. tnx..
Mga sir, I have a situation po, "pag-magstart po ako lagi ng engine laging na-ilaw yung discharge sa panel ko after few minutes mawawala, halos 1 yr na po yun nangyayari and then kahapon po from pasay to muntinlupa nagamit ko yung fog lights together with the head lights then nagpagasolina kami at nung inistart ko yung engine ayaw, as in wala po, nakapatay yung engine ayaw mag hazard at ayaw din umilaw ng ilaw sa loob..."
Ang suspetsa ko po di ko po kaya na overload yung pag-gamit ng alternator, or naubos na yung battery kasi almost 1 yr na nangyayari yung pag mag-start ako ng engine laging may kasabay na discharge then mawawala after few minutes... Need help po![]()
1 year and 4 months pa lang po yung battery, baka po yung alternator po talaga yung problem...Pero I consider ko na din po yung battery problem kasi baka nga nadischarge na...
May nabasa po ako na 40 amps yung default ng alternator ng hi-lander, then upgrade to 90 to 100+ na amps... Ilang amps po ba yung masasabi na pangmatagalan? Pinalitan po kasi yung stock na alternator namin I think almost 1 yr n din yun at hindi ko po alam kung ilang amps yung pinalit hehe la po kasi ako nung pinapalitan nila yung alternator.
Parang hi-lander ko yung tinutukoy mo ah? hehehe
check mo muna yung wires +/-... pag ok lahat ng wires from alternator to battery, jump start mo or tulak start. Pag nag start at na at gamit mo naman especially with headlights-on or radio = ok yung alternator mo nyan... yung battery na kasunod. Or if kung naiuwi mo sya ng jump start sya from the gasoline station, best bet is the battery nga... especially kung motolite gamit mo... hehehe
Mga sir balak ko bumili ng Hilander. Hingi sana ako advice sa inyo kung ano dapat ang tingnan or tutukan para makita reliable pa yung bibikihin ko.
Gud day po mga bossing..may itatanong lang sana ako regarding piston ring...may nakapaglit na po ba sa sinyo ng piston ring...ask ko lang po sana kung ano ba ang mga signs kung kailangan ng pailitan ang piston ring ng sasakyan(mine is hilander xrtm '00)..ok naman po ang performance ng sasakyan ko..napansin ko lang na medyo malakas na sa krudo...napalinisan ko na rin yung injection pump at nozzle tip.napa change oil ko na rin....ang iniisip ko lang po..considering yung mileage at 147T plus at yung edad ng sasakyan almost 11years na siya...e medyo napapagisip isip na ako kung pwede ng palitan...baka kasi bigla bumigay ung piston ring..ano pa po ba ang mga papalitan kung sakaling palitan po ung ring....mga magkano po kaya ang aabutin...any suggestions mga bossing regarding as to what brand ang maganda po...thank you very much and God bless po.....
Mas mabuti mag pa compression test muna para malaman ang kondisyon ng piston rings. hanap ka ng shop na may compression tester. Isang sign ng bad piston rings ay malakas ang crankcase pressure, lumalabas langis sa dipstick hole.
Mga sir ano po ba ang advantages and disadvantages pag sobra ang amp ng alternator? TIA
Hello mga peeps! Need your advise about my HiLander 97. My first project car.
Since medyo may kalumaan na, maraming pagawain sa cosmetics, although maganda pa naman makina.
Since medyo naghihigpit ng budget, I'm planning to buy 2nd hand seat cover. Ask ko lang po kung kasya po ba seat cover ng Isuzu Crosswind sa HiLander? I know magkaiba yata yung 2nd row ng Crosswind compared sa HiLander. Kasi me hati ito sa gitna. However, mukhang pareho lang yung sa Front row, at yung sa back row (yung natutupi). Tingin niyo po ba pareho lang dimension ng seat sa Front and Back row ng Crosswind and HiLander?
IMHO it'll be a waste of money... kasi panget ang hindi fit ang seat covers. Buti pa if tipid ka talaga, DIY cleaning mo yung mga seats mo. For me nothing beats showing off how clean your interior is or how well maintained it is. remove all the seats then Joy liquid soap,brush wet Vac or sundried mo yung mga seats. while your at it pati na rin yung interior nya. wag lang yung carpet as it will soak-up water and might lead to corrosion... But hey thats just my opinion..
Thanks for your 2cents boss gambit. Actually, binili ko na yung seat cover, tamang tama lang yung front row. Sa back seat medyo hapit pero kinaya naman. Ang hindi lang talaga pwede eh yung middle row. For 500 bucks, me protection na yung front and back row seats. Temporary lang naman to while inuuna ko yung mga mas importanteng aspect ng hilander ko.
Ask ko lang po kayo kung advisable po ba magpa taas ng Amperes ng batterya? Currently kasi ang gamit kong baterya, size 2SM, rating is 12V/50Amp. Balak ko palitan ng size 3SM, rating is 12V/75Amp. Hirap kasi palagi mag start ng HiLander ko. Lalo pag isang araw di nagamit. Madalas madischarge baterya ko kakastart. Isa pang challenge, is yung size ng 3SM. Mas mahaba kasi to ng 1.5" compared sa 2SM. Sabi sa shop ng baterya, pwersado daw ang 2SM sa diesel. Kelangan ko talaga daw ng mas malaking baterya. Yun nga lang mukhang hindi kasya ang 3SM sa lagayan ng HiLander. May nakaharang kasing wire harness. Ganun din po ba sa inyo?
May way po ba para kahit 2 days naka tengga HiLander eh, madaling i-start?
Many thanks in advance.