New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 84 of 131 FirstFirst ... 347480818283848586878894 ... LastLast
Results 1,661 to 1,680 of 2611
  1. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    48
    #1661
    Mga ka dmax, paano po iadjust yung headlight height? Pwede po ba itaas pa yung hi beam? Kasi halos kapantay lang ng low beam eh. Yung adjustment po ba sa back part ng headlight eh for low beam lang? Sana po may makatulong. Tia!

  2. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    1,851
    #1662
    Hi mga sir tanong ko lang Kung meron din bang issue like in ford at Nissan ang mga dmax nyo? 70kms - 90kms or 4-5 year old units, sa mga clutch & flywheel , injectors & fuel pump, and yung latest ngayon ok ba? binili kmi end of this month. Thanks


    Posted via Tsikot Mobile App

  3. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1663
    *jake_android: Ang alam ko sir, hindi mo pwedeng itaas ang hi beam or low beam. Instead, ang pwede mong gawin ay itaas ang aim ng headlight which is not really advisable kasi nakakasilaw sa oncoming vehicles. And pag tinaasan mo din ang aim, hindi mo din makikita ung road. Maybe you need to change the bulbs already, baka malapit na silang mapundi.

    For the adjustment, meron yan ung parang screw na irorotate mo sa likod ng headlight if you want the aim to be higher or lower.


    *Leo_Arz: As far as my Dmax is concerned, sir, ok pa naman ang mga clutch, flywheel, injectors and fuel pump ko. It will turn 6 yrs old in July and has clocked almost 110k kms already.

    Every 8500 kms ako nagpapa change oil and I use Royal Purple. But the last time, I tried Motul. But I always make sure to change my fuel filter every PMS. Kahit sinasabi ng SA na hindi pa kailangan, I always tell him na basta, palitan dapat. So far ayos pa naman and still going strong, andar lang ng andar.

  4. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1664
    *Leo_Arz: As to your query kung ok ba ung latest Dmax ngayon, same engine padin naman sila but different body. So if I would base my experience with my Dmax to the new one, I would say ok parin siya engine wise. Don't expect it to be a sprinter though, coz it's not. Dahan dahan siyang bumibilis. Baka kasi sir, ikaw ung tipo na bumili ng pickup para ipang racing at yung pagka green pa lang ng light ay sibat agad.

    But the design is a different story. I am not a fan of the current design so if you will ask me if the design is ok, I would say I would look at other brands.

  5. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    1,851
    #1665
    Quote Originally Posted by rna800 View Post
    *Leo_Arz: As to your query kung ok ba ung latest Dmax ngayon, same engine padin naman sila but different body. So if I would base my experience with my Dmax to the new one, I would say ok parin siya engine wise. Don't expect it to be a sprinter though, coz it's not. Dahan dahan siyang bumibilis. Baka kasi sir, ikaw ung tipo na bumili ng pickup para ipang racing at yung pagka green pa lang ng light ay sibat agad.

    But the design is a different story. I am not a fan of the current design so if you will ask me if the design is ok, I would say I would look at other brands.
    Sir salamat sa info, marami kc nag sabi Kung patibayan at tatag dmax ang negative lang na sabi habulin sa smoke belching. Kaya yung time na yun nabili ko navara kaso minalas
    Upon diagnose ng casa flywheel at clutch kit. Me nabasa ko sa net yun ang naging pblema sa navara at ford at malaki gastos at parang me iba pa pblema pakiramdam ko sa unit ko * 72kms mag 4yr old plang sasakyan. kya isip ko dmax upon reading few dito sa thread nyo wala ako nabasa pblema minor lng. Mga magkano ba pa pms sa Isuzu every 5k o diretso sa 10k sir?


    Posted via Tsikot Mobile App

  6. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1666
    ^
    Ang Dmax and Alterra, sir, hindi sila mausok. Nagiging mausok lang yan kung pumalya na ung EGR or yung SCV kasi kailangan mong ibaon ang gas pedal dahil nasasakal ang makina.

    For the PMS, direcho na ako sa 10k kms. Sa labas ako nagpapa change oil kasi gold ang price ng oil sa dealership but I do the rest of the PMS in the dealership. Iba iba ang prices pero kung wala naman ibang parts na papalitan and within the service booklet lang ang gagawin, mga 10k lahat na un including the oil.

    Sa mga sira sa Dmax ko, well, I had the timing gear replaced already before pero hindi naman ganon kamahal na tulad ng clutch kit. I also had my SCV replaced. When my EGR failed, buti pwede palang linisin. Kanya kanyang sakit lang talaga yan and iba iba ang experiences of every owner. Malas lang talaga kung ung problem na napunta sayo ay ung sobrang mahal.

  7. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    48
    #1667
    Salamat sir rna800.

    Another question lang po. Normal po ba yung tunog sipol na parang nagsspray ng tubig kapag bumibilis ang takbo?
    Yun po ba yung turbo ng dmax? Pasensya na po kasi newbie sa dmax.
    Saka eto pa po. Ok lang po ba na medyo may oil leak yung turbo ng dmax? Sabi po kasi ng mekaniko na pinagtanungan ko eh normal daw po yun. Kakakuha ko lang po kasi ng dmax 2nd hand kaya maraming tanong. Sana po may makatulong ulit. Tia!

  8. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    48
    #1668
    Ito pa pala mga ka dmax. Yung clutch grabbing po ba eh normal din? Medyo kakadyot kadyot kasi lalo na po pag standstill then arangkada lalo na pag paahon. Btw, 2011 LS 4x4 po yung model ng dmax ko.

  9. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1669
    Just want to share my experience for the record of Dmax owners.

    Recently my Dmax has this sort of roaring sound, medyo maungol siya especially if I release my foot from the gas pedal. Initially I thought there is a hole in my muffler or in the exhaust system. Brought it to a muffler shop, wala daw. Not satisfied, I brought it to another muffler shop, wala daw. So ibig sabihin walang butas ang exhaust system ko.

    Then next is biglang my "twik" sound, it doesn't matter kung mabilis or mabagal ang takbo. And pag tumunog siya, parang sinisinok ung truck. And parang medyo mabigat ang takbo niya.

    I called my dealership and ask what could be the possible cause/s of those problems. Sabi nila to bring the car there for checkup. Before going to the dealership, I brought it to the dealership, I brought it first to my trusted shop so they can also do a test drive. Unfortunately di nila mapalabas ung ungol and ung "twik" sound.

    So I brought it to the dealership. Based on my explanations and observations, marami daw possible causes. Pwedeng fuel filter, air filter ung parang sinisinok. Worse comes to worst, baka mga injectors. Same with the roaring sound. Baka transmission na daw. Iwan ko nalang daw for observation.

    I got a message from my SA later in the afternoon na ok na ung Dmax. Fan belt lang pala, ung mas maliit na belt. The thread got worn out already and that was causing the roaring sound and "twik" sound. Sabi niya baka nagi slide ung belt kasi nga natastas na siya. Ung mas malaking belt ay ok pa naman daw pero pinapalitan ko na din.

    Total was just a little under 3.6k kasi pina engine wash ko na din.

    Buti nalang at belt lang and hindi ung pagkamamahal na parts ang kinailangan na palitan. Ok na ok na ulit!

    So if ever you experience those symptoms, try to look at your belts first before replacing a major part, baka un lang ang nagko cause.

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1670
    *jake_android: Yung sipol kapag bumibilis, turbo un, sir. Not unless may sumisingaw kasi may butas somewhere sa engine mo, turbo ung naririnig mo. Spool ng turbo ang tawag doon.

    Ung oil leak sa turbo, hindi dapat normal un. Dahil mo nalang siya sa dealership para macheck. Pwede din na baka never pang na engine wash ung Dmax mo, mga naipon ng dumi and mga oil leak yan.

    Yung clutch grabbing ay maraming causes. A/T or M/T? Kung M/T, baka hindi niyo lang natitimpla ng maayos ung gas and clutch. Medyo mataas pa naman ang clutch ng Dmax. A/T is a different case though. Subukan mong diinan ang tapak niyo sa gas lalo pag incline ang road from a standstill. Ang maganda lang sa engine ng Dmax, hindi mo kailangan pasigawin para maramdaman mo ang pull niya. Kahit nasa 2k lang ang RPM mo, nararamdaman mo na ang pulling power niya kaya kahit pagapangin mo siya, hindi kaagad mamatay or mag stall ang engine.

  11. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    52
    #1671
    ^ thanks sir rna800...

    pls continue sharing your experience with your dmax...atleast alam namin what to expect pwede mangyari sa sasakyan namin..congratulation sa 6 yrs old at i think very satisfied kayo sa ride nyo..so far mag 1 yr na rin sa akin dmax ko happy so far wag lang minsan matabihan ng ranger dun pa rin yung inggit ko sa porma nya.silang dalawa kasi yung pinagpilian ko.

    done with my 10k pms gumastos din ako ng almost 9k...

    thanks.time to time sumisilip ako dito sa forum update ng mga bago info especially about our dmax.

  12. Join Date
    May 2013
    Posts
    223
    #1672
    Sup Dmaxer's? Hahah

    To share lang, yung kumakalampag sa likudan ng pick namin was just a simple step board bracket! Spent almost 10k because sabi nung una sa rear axle bearing daw, ang mahal pa naman nung parang gear/abs na kelangan sirain to press fit a new one. Oh well, this time casa did a superb job on diagnosing that stupid a** kalampag! Should've had brought it the first time palang. Charge to experience nalang.

    Another problem they saw is the need for replacement of the rack end or yung kinakapitan/threadan ng tie rod ends. Medyo may play na daw, but still can be used.

    Now, super happy na pag lumiliko pa kaliwa, I dont have to slow down to 30 kph just to avoid that tog tog sound.

  13. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    48
    #1673
    Thanks sir rna800.

    May bago po akong tanong. Ano po kaya possible cause pag ayaw gumana nung reverse cam? No signal po kasi ang lumalabas.
    Pinatingnan ko naman sa technician ang sabi ok naman daw ang connection. Could it be the camera itself? Nagtataka lang ako kasi 2011 model dmax ko parang masyadong maaga para bumigay yung cam. Hah, pahelp po sa mga experts dyan. Tia!

  14. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1674
    *jake_android: Wala akong idea when it comes to the reverse cam, sir. Wala kasing camera ung akin. Yan ang ayoko sa mga kung ano anong mga gadgets na nilalagay nila kasi maganda lang yan sa umpisa at pag bago pero pag tumagal at lumuma na, sakit lang sa ulo kasi ayaw ng gumana.

    Kung ok ang connection, most probably the camera itself. Try bringing it to a different dealership and baka alam nila ang gagawin. Iba iba kasi ang mga tech ng bawat dealership so baka ma solusyunan un ng sa iba. Kung wala talaga, try in Bananwe, baka mas magagaling ung mga tech doon.

  15. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1675
    *bugoys: Good to know that you have finally found the culprit of that annoying sound, sir bugoys.

    Yan talaga ang problema pag dinadala sa dealership or sa kahit saang shop, minsan palit agad ng parts ng hindi pa inoobserbahan. They just rely on the obvious. Then in the end, napaka simple lang pala na part ang nagko cause ng sound or nung problem and ung mga pinalitan na parts ay hindi naman pala related sa problem.

    Ano ang nafifeel mo, sir, while you are driving your truck based on their claim that you need to replace that part that holds the tie rod end? Sa akin wala pa naman napalitan na mga ganyan. So far bushings pa lang ang napalitan sa pang ilalim ng akin simula nung nabili ko ung vehicle.

  16. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1676
    *nabig8: Siyempre, sir, I am very satisfied with my Dmax. At least umabot siya sa ganitong age ng hindi sobrang problematic. Hindi siya ung maganda lang sa umpisa then pag nagka edad na, hindi ko na nakikita sa bahay kasi laging sa dealership na nakaparada dahil lagi nalang meron sira.hehe

    Mabagal lang talaga ang acceleration.hehe Pero kayang kaya padin sumabay lalo kung 170 to 175 kph lang ang takbuhan. At least hindi siya ung akala mo napaktulin sa umpisa pero pagdating ng 120 to 140 kph, paos na.hehe Sa akyatan, ayos na ayos padin.

    Ang isa pa is never akong itinirik ng truck ko kahit almost 1 yr akong naghihintay ng replacement ng EGR. Buti nalang at hindi ko pinapalitan at nakita ko dito sa Tsikot ang Central Diesel. Then ung timing gear/chain, ilang months and kilometers ko din pinatakbo na may tunog bago ko pinaayos pero never na biglang pumalya kasi naputol na. Minsan hinahataw ko pa.

    Maganda talaga ang Ranger, sir. Gwapo talaga. Kahit ako nagagandahan pero ung 3.2 Wildtrak. Hindi ko kasi gusto ung engine ng 2.2. Sulitin mo nalang muna ung Dmax mo then pag napagsawaan mo na, bili ka ng 3.2 Wildtrak.hehe

  17. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    52
    #1677
    ^^^ sir rna800
    sa tingin ko talagang tatagal sa akin yung dmax at di sya basta basta napagsasawaan....kasi wala pambili he he.so far wala pa nman ako modification ginawa kasi wala pa din pang mods,,pero pinaka plan ko lang talaga is yung gulong palitan lang ng size pero same mags mag mukha lang sya parang boondock tsaka yun cover sa likod pinag iipunan ko pa din pero ayaw ko sana yung roller...the rest all stock na hangang sa maluma..kung magka pera man di ko pa din papalitan si dmax bibili nlang ng iba pero di na pick up suv na pang pamilya..yung ranger para lang syang chicks sa akin na napapalingon ka pag dumaan pero syempre kay misis ka pa din (dmax) kasi sya yung pinili talaga.

  18. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #1678
    *nabig8: Basta alagaan mo lang yan, sir, for sure hindi ka ipapalya niyan. Make sure na magandang klaseng oil ang gagamitin mo and wag yung mga mineral oil lang. Pati ung fuel filter din. Then of course yung fuel na nilalagay. Pero siyempre, hindi naman invincible ang ating truck and kahit anong alaga natin diyan, dadating ang time ay may masisira pa din. Given na yan. Ang mahalaga is yung interval ng bawat sira. Kung pagkapalit ay ok na and matagal ulit na mapalitan, forgivable un. Pero pag pabalik balik ka nalang sa dealership, ibang usapan na un. Lalo pag medyo nagkaka edad na ang vehicle, diyan mo makikita ang tunay na tibay. Un kasing first 3 yrs, wala pa yan, kumbaga virgin pa yan.hehe Not unless sobrang layo ang bina biyahe mo at umabot ka ng more than 100k kms within 3 yrs, hindi virgin ang tawag doon.hehe

    Akin din, sir, all stock. Di ako sanay sa mga modifications na yan. Hindi ko naman ito binili para ipang race at gawing pinaka mabilis na kotse sa daan. Pero ung gagawin mong parang ung Boondock edition ung gulong, ok yan. Kaso makakaapekto yan sa FC mo kasi mas malaki ung gulong mo.

    Ano ba ang plan mo sa bed ng Dmax mo, sir? Ako naka roll top from Pace Edwards. Sa lifestyle ko nadin kasi. Pag may kailangan ako at inilagay ko sa bed, hilain ko lang ung roll top, sarado na. Then pag may ilagay ako na malaki, pwedeng buksan. Pero as they say, to each his own. Meron akong kilala lahat ng pickup niya naka Campershells lahat.

  19. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    699
    #1679
    Wala pa ba ditong naka new DMax? Feedback naman mga Sir.

  20. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    52
    #1680
    * rna800
    gusto ko sana yung hard top sir na pwede sya i lift up.kaso pag hard cover na parang hirap na sumakay sa likod,mahilig pa nmn sumakay sa likod mga anak ko pag nasa province o kaya pag sundo nmin sa school nila..pag roll up nmn kasi may nabasa ako na nag le leak din daw,pinag iisipan ko din yun folding kung pwede.

Isuzu Dmax Owners [continued]