Not sure sa crosswind pero sa hilander may sariling condenser, expansion valve, etc yung aircon sa likod. I would think same sa crosswind.
Sent from my LG-D855 using Tapatalk
Mga Sir ano tawag sa part na ito parang rod na nasa picture. Paki explain kung ano function nito. Napunit kasi yun bilog na rubber, yun may arrow. Kung papalitan ba to buo o un pinaka joint lng.?Maramingsalamat.
![]()
yup anytime na may pinalitan sa suspension e automatic dapat na macheck ang alignment.
both sides ang palit mo nyan.
actually kaya yan DIY.
kelangan mo ipatong sa jackstand yung chassis. hindi yung control arm ang ijack mo. wag ka umasa lamang sa jack.
sukatin mo muna yung distance from the tip of the strut bar to the front nut. para malapit ka sa caster specs once na magpa-align ka na
tapos tanggalin mo na yung front nut. no need to remove yung rear nut(s). idisconnect mo rin yung strut bar sa lower control arm (2 bolt ito)
yun na pwede mo na palitan yung bushings. wag mo gamitan ng grasa. gumamit ka ng silicone grease kung nakapress fit. pwede rin siguro yung silicone spray.
Ask ko lang po kung sino nakapag replace na ng Rear Wheel bearing. kapag loaded and tumakbo po
yung xto ko ng above 60kph may tumutunog sa bandang likuran parang bearing na sumasayad or gumagasgas.
na replace ko na yung front bearings.
And sa mga may crosswind sino na po naputukan ng power steering hose.
last week nag leak yung ps fluid ko pina check ko may butas na yung hydraulic hose.
pinagawa ko yung pinapress and replace hydraulic hose 750pesos.
anong klase po yung tunog?
high or low pitched tone?
tuwing acceleration po ba? or deceleration? or cruising?
ijack mo yung likod at hawakan ang gulong at 12 & 6 o'clock atsaka 3 & 9 o'clock. kung may play malamang wheel bearing yan. kelangan hugutin ang axle at grinder kadalasan ang pinangtatanggal sa bearing tapos hydraulic press para isalpak.
or hindi naman kaya sa rear suspension? gaya ng pudpod na leafspring bushing?
or center bearing ng propeller shaft?
ipanalangin mo lang na hindi differential bearing kundi mas madugo ang gastusan dyan.![]()
Hello guys,
Tanong lang ako about sa AC ng crosswind. Nagtanong ako sa kasa at ang sabi sakin is maintenance daw ng aircon sa ika 25000km ng sasakyan. so aside dun sa regular pms seservise-an din daw yung aircon. nagtanong ako kung magkano, so mga nasa 8k daw kasama na daw pati mga parts na papalitan dun sa aircon.
Tingin nyo mga boss fair na price yun? OK lang kaya kung sa labas na lang ako magpaservice ng aircon baka sakaling makamura ? if ever kaya na sa labas ako magpaayos macocover kaya nila lahat ng dapat ayusin, kasi diba sa casa may checklist sila ng dapat gawin.
I need your suggestions mga sir.
thanks in advance.
patulong naman po mga sir
Yung crosswind xuvi 2003 a/t ko e nag fflash yung check trans light niya pag tumakbo na ako ng mga 1km. Nung una gumagana speedometer ko tapos nagpachange atf oil ako bigla nasira speedometer tpos nagfflash padin yung check trans. nagtry ako magpapalit ng atf oil filter tapos nagfflash padin yung check trans. Ano kaya pwede problem nito? Nasa sensor or gauge panel or pwede na malala pang problema?
Thank you po
Hello mga sir, may mga nagpalagay or nagpapalit na po ba ng silicone oil sa clutch fan niyo dito sa casa or sa trusted mechanic niyo? Just wonderin po kasi balak ko magpapalit ng silicone oil sa clutch fan kaso hindi ko po alam kung gaano kalakas ang CST at ilan tubes po ang kailangan? Thanks po in advance sa makakapagshare..