
Originally Posted by
c_cube
I tried to call LTO Main at MMDA sa guadalupe
For the test daw, ang pagtapak sa selinyador, gradual increase up to 4K RPM then biglang bibitawan daw ang seliyandor at 6 times gagawin ito pero yun last 4 lang daw ang kinukuha ang result for the average.
sabi ng MMDA, hindi daw pwedeng pinapapila ang mga tinetest nila, dapat daw hindi pinaghihintay dahil sa kanila daw 2 CARS/VANS lang ang pwede nilang isalpak sa test, so habang hindi tapos yun, hindi sila nanghuhuli. PERO hindi daw nila alam sa ORDINANCE ng MAKATI.
sabi naman ng LTO, dapat hinuhuli lang daw pagnakikita na nag e-smoke belching yun sasakyan, tas bago itetest. Pero itong mga taga ASBU Makati, lahat hinuhuli eh maliban sa PUV.
PERO BOth ASBU MAkati, LTO and MMDA said that yun Certificate na nakukuha sa LTO ay pang REHISTRO lang daw, hindi daw pwede gamitin yun pag nagrandom test. Dito na ako nagulat, bakit ka pa nagkacertificate kung hindi din pala tatanggapin, so lumalabas extra income lang sa LTO at extra gastos sa atin mga car owners.
Wala daw CERTIFICATE na tinatanggap basta pagpinara ka, dapat itest ang sasakyan mo. Then tinanong ko kung pano pag may hinahabol na ORAS yun delivery van, dun na pumasok yun sagot ng MMDA na bawal pinapapila o pinaghihintay ang mga hinuhuli. Eh itong mga ASBU Makati, makikita mo talaga nakapila lahat ng pinara niya.
Tinawagan ko ang Makati Pollution COntrol Office, WALA sumasagot kahapon. Busy siguro sa panghuhuli mga tao nila
Money making yata talaga itong ASBU na ito, malaki yata kinikita dito ng mga LGU. Im pro clean air pero kung ganito naman yun mga nagpapatupad, nakakainis talaga.