
Originally Posted by
JX290
OBD2 meaning on board diagnostic. Dito kinakabit ang electronic equipment para mabasa lahat na nangyayari sa makina, gaya ng coolant temperature, rpm, boost pessure, oil pressure and so on. Dito rin magbasa ng mga fault codes ng makina at saka pag clear nito, o di kaya pag reset ng ecu. Ngayon pwede na natin ma monitor ang sarili nating makina thru our smartphone. Merong application like torque pro na kayang magbigay ng real time information sa driver. Kailangan lang sa apps na ito ay ang bluetooth device na kinakabit dun sa obd2 port para ma transmit wirelessly dun sa smartphone natin na di na kailangan ang mamahaling gadget na ang casa lang meron. HTH.