Hindi advisable ang dual filter sa mga van ninyo dahil konti lang ang laman na langis sa crankcase ng makina na di pwedeng patagalin ng 40k kms kahit gumamit pa ng fully syn.Para lang sa trak at bus yan kasi maraming kilometro ang tinatakbo kadalasan ng mga ito kaya maraming langis ang nasa crankcase para mapahaba ang drain intervals ng langis.Yan ang nasa isip ng mga engine manufacturers kaya mas maraming langis at may dual filters ang mga malalaking diesel engines.Alangan namang kada 10k kms ay change oil na sila. Pwede nyong pahabain ang change oil nyo kung imomodify nyo ang crankcase ng makina para malagyan ng mas maraming langis at kabitan nyo ng dual filter na yan.I´m not against this dual filter but its not logical to use it with your vans without crankcase modification to raise the ratio of oil to engine displacement.