New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 22
  1. Join Date
    May 2012
    Posts
    29
    #1
    Nasira thread ng no.1 spark plug ng kotse ko sa cylinder head eh nagbabawas ng langis need daw palitan ng valve,valve seat, basta yung magkksama dun maliban s rocker arm at nsa ibabaw, nung paandarin wala ng singaw sa spark plug,pero ang panget ng idle taas baba rpm,tapos mahina hatak,at mejo umiinit normal ba? ito kasi sabi ng mekaniko gamitin daw muna para lumapat mga barbula.. gaspang ng andar pati idle .. hindi ganito expectation ko kasi.

  2. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    475
    #2
    mali yung pag "seat" ng valves sa valve seat. pwedeng kulang sa hasa yung valves sa valve seat kaya erratic idling ka. ibig sabihin singaw valves mo.

    doon naman sa slight increase in engine temp, masyadong mahigpit valve clearance. baka wala sa spec. ang alam ko, kapag nag aadjust ng valve clearance sa 2E, dapat nasa operating temp ang makina. check mo na lang yung naka stamp sa hood mo kung ano ang tamang sukat ng valve clearance.

    yung mahina hatak, try mo magpa check ng timing. stock setting is 10 degrees advance.

    mga possibilities lang ito paps.

    kadalasan kapag mausok, valve seals lang ang sira, medyo bihira masira ang valve at valve seat. masisira lang ito sa 2E kapag naputulan ng timing belt.

  3. Join Date
    May 2012
    Posts
    29
    #3
    Ty sa input sir innova 2013, baka nga raw masikip pa lahat kasi ng valve pinalitan gamitin ko raw muna para magka pare-pareho ng laro, di ba ito delikado? Madaming paakyat dito sa may amin. Lalo kapag bagong andar mahina hatak need ko pa medyo mtagal na warm up kesa 5 mins. N warm up ko dati. Kalog daw mga valve ko kaya kelangan palitan, pati valve seat gastado na, walang usok dati makina ko pero nagbabawas ng oil pakonti konti dun daw lumulusot sa gastadong valve at valve seat ky walang usok. Ty sir.

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,270
    #4
    Quote Originally Posted by sago123 View Post
    Ty sa input sir innova 2013, baka nga raw masikip pa lahat kasi ng valve pinalitan gamitin ko raw muna para magka pare-pareho ng laro, di ba ito delikado? Madaming paakyat dito sa may amin. Lalo kapag bagong andar mahina hatak need ko pa medyo mtagal na warm up kesa 5 mins. N warm up ko dati. Kalog daw mga valve ko kaya kelangan palitan, pati valve seat gastado na, walang usok dati makina ko pero nagbabawas ng oil pakonti konti dun daw lumulusot sa gastadong valve at valve seat ky walang usok. Ty sir.
    walang usok makina pero nagbabwas ng oil..

    edi buo pa ung valve seal at seat mo..

    baka naman may tama na piston ,piston ring mo kaya nagbabawas ng langis.blo up na siya sa no.1 kaya pinatay niya ung no.1

  5. Join Date
    May 2012
    Posts
    29
    #5
    Blo up? Ano ibig mong sabihin sir jaypee? Nasira thread ng no.1 spark plug sa cylinder head kya pina machine shop pero buo pa yung uno.

    Mahina p siya humatak,mejo ok na temp. Mag stabilize na, gamit ko khpon ky lang umaga di nga ako nag aircon kc rough ang idle tpos alanganin power.ganun b tlga kapag pinalitan ng valve at v.seat? Tapos sa biglang yasak sa gas,parang na nabubulunan tsaka magbibigay ng power. Hirap gmitin.

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #6
    kapag bagong overhaul, di dapat ganyan ang andar. dapat tahimik at pino ito sa simula pa lang.smooth ang takbo ng makina, hindi erratic sa idling.

  7. Join Date
    May 2012
    Posts
    29
    #7
    Quote Originally Posted by tip_tipid View Post
    kapag bagong overhaul, di dapat ganyan ang andar. dapat tahimik at pino ito sa simula pa lang.smooth ang takbo ng makina, hindi erratic sa idling.

    Tahimik ang makina sir, pero tama po ba na mahina pa siya humatak?

    Yun nga yung idling nya rough at erratic, tapos kapag naka aircon, mas lalo na at prang di makaka akyat sa matarik na daan.

    Hindi nga din smooth gamitin.

  8. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    38,395
    #8
    i'd be interested in the timing belt adjustment..

  9. Join Date
    May 2012
    Posts
    29
    #9
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    i'd be interested in the timing belt adjustment..
    Ok sir, ipapa timing ko ulet,kasi nilagyan lang ng tali yung timing belt para siguro hindi mabago timing pero nung ikakabit na parang dumulas at nabago, ty ng madami atleast dumdami na input sa akin at nagkaka idea ako mga dapat gawin. Salamat.

  10. Join Date
    May 2012
    Posts
    29
    #10
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    i'd be interested in the timing belt adjustment..
    Salamat po sa payo nyo... lampas daw ng isang ngipin yung timing, malakas na ulet corolla ko,

    Tsaka sa ibang nagbigay ng inputs.... salamat


    Mejo hindi na lang stable ang idle nya... sabi ko adjust sa distributor eh gamitin ko muna ulet daw..
    Ano kaya dapat gawin na? Kakilala ko yung mekaniko,kaibigan ko pa, feeling ko tuloy pineperahan ako... hayss...

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Help po pls. About my corolla 94 xe 2e engine