
Originally Posted by
innova2013
possible na vacuum leak bro. kasi nung wala kang binabago, walang problema. dalawa yung butas sa may valve cover. yung malaki, doon yung pcv valve. bali from pcv valve papuntang intake manifold yung hose. yung maliit naman, pwede namang walang connection pero mas maganda kung connected siya sa intake tube. try tanggalin yung pcv valve tapos takpan mo ng daliri yung hose na connected sa intake manifold, dapat gaganda idling mo, kapag hindi, may butas yung hose, tapos try mo kabit yung pcv valve, kapag low idling, sira yung pcv valve na nabili mo.
tama si dr. d, palitan mo na lang ng set yung high tension wires para atleast, mas madaling mag isolate ng problem. tska kasama talaga sa consumables yung high tension wires, kumbaga sabay sabay sila pinapalitan kasama ng distributor cap, iginition rotor at spark plugs. naging kaugalian lang natin na kapag hindi sira, hindi pinapalitan.
regarding sa hissing sound na malapit sa fuel filter, charcoal canister yun. may mapapansin kang parang reservoir na kulay itim sa baba, tapos may hose yun na papunta sa carb. yung hissing sound ang nag sasabi na ito ay working unit. lalo na kung after switch off ang makina galing sa mahabang biyahe.