water pump kakapalit ko lang nito ng 2 months ago if im not mistaken.

as for engine mount naman eh hindi ko alam :D

sabi ng mekaniko ng pinaayos ko eh mas maganda palitan ko nalang makina dahil nga daw doon sa pag kakabangga eh medyo parang may nabasag daw na something.

hirap ng di masyado alam about this kasi drive lang ako ng drive :D

the car used to be my brother's car kasi eh then naging akin na pero yung bangga eh mula pa ng sya gumagamit kaya ng ako na gumagamit eh isa isa ng lumalabas yung mga sakit ng kotse.

plano ko sana benta nalang kaya lang ganda na ng setup ng body kits ko eh saka parang gusto ko na tlaaga sya and might as well buy nalang ng new as my 2nd car nalang.

so sabihin ko nalang sa mekaniko to check yung water pump and engine mount baka sakali magawan ng paraan while pinag iipunan ko pa yung pang bili ng bagong engine :P

salamat ng marmi sir.



Quote Originally Posted by isa1023 View Post
Basically, nagsisimula ang temperature at vibration issue kapag revving ng above 2500 kph. Tsk

Ok pa daw ba engine mounts at water pump mo sir?

Water pump kasi pag mas mataas ang rev mas malakas ang spray niya ng coolant papasok sa engine block. Baka yung sayo sir eh hindi na ganun.

Or pwede din kaya ang thermostat mo din hindi na bumubukas ng husto para mairecirculate ang coolant pabalik sa radiator para palamigin.

Don't worry sir, kadalasang sakit ng Honda yan mabilis tumaas ang temp. Ang liliit kasi ng radiator eh.

Hindi lang ikaw ang nagka-temperature issue dito. Madami tayo...



Ano ba diagnosis nung mga shop na pinuntahan niyo po sir? Ano daw suggestion nila?



Sir sorry hindi din ako guru nagkataon lang ng matagal din akong nagdrive at minsan ay nangarera ng Honda na D15B at pareho tayong nagkaron ng problems sa temperature



Nauubos lang ang coolant sa radiator kung may leak sa system o pumapasok sa makina at humahalo sa langis (kadalasang dahilan nito ay blown gasket dahil nag-overheat na yung makina o madalas nasa high temp).



Palit filter lang pag madumi na talaga. Pag sobrang barado na kasi pwede mag-lean burn dahilan para uminit ng husto ang makina.

Palit header lang kung may butas na dahil tinamaan nung nabangga.