Quote Originally Posted by vh3r View Post
yup kapag normal running like 60 to 80 walang problema di naman tumataas ang termostat nya.

not sure kasi kung san talaga may problema eh.

tapos kapag umabot na ako ng 80 pataas nag sisimula na tumaas then hindi lang yun lumalakas yung vibrations nya meaning kailangan mo talaga hawakan manibela mo dahil baka lumiko dahil sa nginig.
Basically, nagsisimula ang temperature at vibration issue kapag revving ng above 2500 kph. Tsk

Ok pa daw ba engine mounts at water pump mo sir?

Water pump kasi pag mas mataas ang rev mas malakas ang spray niya ng coolant papasok sa engine block. Baka yung sayo sir eh hindi na ganun.

Or pwede din kaya ang thermostat mo din hindi na bumubukas ng husto para mairecirculate ang coolant pabalik sa radiator para palamigin.

Don't worry sir, kadalasang sakit ng Honda yan mabilis tumaas ang temp. Ang liliit kasi ng radiator eh.

Hindi lang ikaw ang nagka-temperature issue dito. Madami tayo...

Quote Originally Posted by vh3r View Post
so what do you think should i do first before deciding to proceed replacing my old engine?
Ano ba diagnosis nung mga shop na pinuntahan niyo po sir? Ano daw suggestion nila?

Quote Originally Posted by vh3r View Post
any suggestions naman from the gurus.
Sir sorry hindi din ako guru nagkataon lang ng matagal din akong nagdrive at minsan ay nangarera ng Honda na D15B at pareho tayong nagkaron ng problems sa temperature

Quote Originally Posted by vh3r View Post
the last time ginamit ko to out of town going to bolinao mukha akong eng eng sa sctex dahil takbo ko 80 lang dahil nga sobrang taas na ng thermostat ko pero kapag sinilip ko naman yung tubig ng radiator ko eh hindi naman sya ganon ka init dahil kung sa radiator sya dapat doon palang sa nilalagyan ko ng tubig eh ubos na dahil sa init ng radiator.
Nauubos lang ang coolant sa radiator kung may leak sa system o pumapasok sa makina at humahalo sa langis (kadalasang dahilan nito ay blown gasket dahil nag-overheat na yung makina o madalas nasa high temp).

Quote Originally Posted by vh3r View Post
unang plano ko nga sana palitan ko nalang muna filter and headers nya eh pero baka kasi hindi rin magawan ng paraan kaya di ko muna proceed mag palit ng header and filter.
Palit filter lang pag madumi na talaga. Pag sobrang barado na kasi pwede mag-lean burn dahilan para uminit ng husto ang makina.

Palit header lang kung may butas na dahil tinamaan nung nabangga.