Gud pm, Sir,

Bago lang po ako sa forum.. May tanong lang po ako tungkol sa engine light ON sa dashboard.
Bigla pong iilaw yung engine Light ON pag nakahinto po ako, tapos tatabi lang ako at i-turn off ko yung engine. Then, start uli (one-click) tapos wala na po yung ilaw sa engine. Hindi naman po nagbabago yung hatak at tunog ng engine.
Hindi rin po madalas nangyayari ito. Sa pag gamit ko ng 4 na buwan mga 10 beses pong umulit ito. Lumapit na po ako sa CASA, kaya lang ang sabi nila hintayin ko uling umilaw yung engine light para madiagnose nilang mabuti. Kya lang ayaw magpakita sa kanila eh!
Naobserbahan ko po, pag nakahinto ako at naghand-brake, mga ilang Segundo lang iilaw na yung Engine light. Ano kaya ang problema? Sana matulungan po ninyo ako.

Yung VAN ay - 2nd hand, Innova 2006 E, MT, Diesel, 56K – odo; fuel – Diesel V shell

thanks