good day sir, totoo po bang masisira ang engine and turbo pag may egr ka? kaya po ba bina blank ang egr para maiwasan po ito? confuse lang ako sir, may nabasa kasi ako na masisira ang engine at turbo pag may egr ang sasakyan...
Hindi totoo yan. Wala pa akong nakitang engine na sinira ng egr. Ang tataas ng warranty ng mga casa sa brand new car sales; halos lahat nito ay meroon egr.
and also tama ba na i adjust advance or delayed ang injection pump para maalis ang usok? di po ako bihasa sa sasakyan pero sa palagay ko mali ang ganitong paniniwala...please enlighten me naman sir...
Dapat ilagay lang sa tamang timing ang engine. Kung minsan, nababawasan ang usok pag binago ang timing dahil dati na itong wala sa timing.