Magandang araw po Dieseldude, hihingi lang po sana ako ng payo. May problema po kasi yung Ford Everest '09 ko. Pagkastart po kasi mga after 15 - 20 minutes meron pong whistling sound sa makina. Dinala po namen sa Ford casa para pacheck up. Ang problema daw po e yung injector. Nilinis po nila tapos nawala. Paguwi ko po sa bahay bumalik ulit yung sipol. So binalik ulit namin sa casa tapos ang desisyon nila e palitan na daw yung injector worth 35k. Naghanap pa po kami ng ibang opinyon kaya sinubukan namen dalin sa Denso Alabang. Nung check up-in nung mekaniko nila sabi wala naman daw sira yung injector kasi malakas naman hatak nung makina at di naman maitim yung usok, meron lang daw po sigurong maluwag na washer o oring. Di naman daw po dapat palitan yung injector kaso ang problema di nila matanggal yung takip ng injector kasi wala silang puller. Ano po ba maipapayo nyo? Saan po ba mabuting dalhin yung sasakyan para ipaayos? Tsaka ano po kaya ang posibleng sira nito? Maraming salamat po Dieseldude.