Quote Originally Posted by JJGF View Post
nakow! ganon ba? greenish talaga siya nung isinalin namin sa black container... ginawa ko to noong nagiipitan ng diesel dito sa amin. kaya after karga sa L300 drain agad tapos salin sa container pagdating sa bahay.. 500 petot lang kasi ang max na pakarga bawat station..

sayang 40liters pa naman... dibale pang hugas hugas na lang..

maraming salamat sir!
Sir kung kulay lang naman ang kinaiba compara sa diesel ng ibang known brand, no problem po yan. Ang importante ay hindi siya tampered. Kung itong diesel ay ginamit nyo na dati sa sasakyan at ok naman ang resulta ibig sabihin ok ito. Hindi po yan basta magdeteriorate ang quality except maybe sa color.
Ang kulay po ng diesel ay magkakaiba sa iba-ibang brand kasi coloring lang po ito at depende sa brand kung ano ang kanilang preference. Lahat ng diesel ay clear ang kulay sa original na refining process (base sa naobserbahan ko), kinukulayan lang ito para madaling malaman kung anong producto ( gasoline, diesel, jet fuel, etc.). Karamihan nga ng diesel na tina-transport namin from kuwait to korea clear ang kulay. Ganito din ang sa LPG, hindi color ang dinadagdag sa halip ay yung amoy (aroma). Sa original ito ay odorless (as far as I know) pero dahil gas siya at hindi makita kaya nilagyan ng amoy para malaman ang presence ng leakage to avert possibility of fire/explosion.
This is as far as I know. Kung may mali paki correct lang po mga papee. .thanks.