ngek! sir mike tatay ka ba? ilang taon na po ba kayo? and what do you do for a living po? nakapag asawa po ba kayo? o kaya e nagtatagal po ba kayo ng mga naging GF mo kung meron man? kumusta po relasyon nyong mag-ama? may mga kaibigan po ba kayo? (paki sagot po lahat)
ako, marami akong mission sa buhay para sa anak ko. ang iba dito ay ang ipakita sa kanya kung gano ko sya kamahal. mapagtapos sya ng pagaaral. magkaron sya ng malusog na pangangatawan. at magkaron ng siguradong magandang buhay. my parents has been very good to me. gusto ko kung ano naging buhay ko o natikman kong kaligayahan or kaunting kasaganahan e madoble ko yung sa anak ko. at kung may naranasan man akong di maganda habang ako ay lumalaki, ayokong maranasan nya yun. my son is a normal kid. at lumalaking matalino at listo kesa sakin

.but for me, obligasyon ko bilang ama na ibigay sa kanya lahat ng kailangan nya na hindi naman makasasama sa kanya. i can do this while teaching him how to become independent. i think thats the beauty of parenting. para ka ding nag mamanage ng negosyo. dapat lahat maayos.
now if you will ask me kung nae-enjoy ko buhay ko? my answer is yes! dahil alam ko na ang purpose ko as a father e nagagampanan ko. nagagawa ko pa din ang gusto ko gawin. nabibili ko mga kailangan ko. nakaka gimik ako. nakakapunta ako kung saan ko gusto pumunta. pero. nakakaipon pa din ako para sa anak ko. sa pag aaral nya. maintenance ng bahay at sasakyan. at para sa kung ano-ano pang bagay. at kung ako e kinakapos. di baleng di ko magawa mga bagay para sa sarili ko. inuuna ko obligasyon ko para sa anak ko. its like magic. biglang ang saya-saya ko.
kung dumami anak ko. sisiguraduhin ko na na kung ano meron yung isa. dapat meron din yung iba. alam mo sir mike. pag mabuti kang ama sa paningin ng anak mo. bakit ka hihintaying mamatay? hahaha. ang batang pinalaki sa pagmamahal e puno din kung magmahal. hihintayin kang mamatay siguro kung ikaw e pabigat sa buhay or hindi naging mabuting ama. kung naging pabaya ka.
malinaw naman sinasabi ni oliver na kung may extra syang pera. at pag tatay ka na sir mike. sigurado na bago ka mag invest sa isang kung ano man. sigurado ang gagawin mo din is siguraduhin muna na sa tag-ulan e may madudukot ka pa. ang lupa po ay hindi mahirap ibenta kung ito e nabili mo ng tama at nasa magandang location. kung talagang di mo mabenta at kelangan mo pera e pwede mo ring isangla.
alam ko na pag ako namatay. di ko madadala kung ano man naipon ko. kasi wala naman ako plano dalhin. iiwan ko yun sa kanya. at kung ako magkakaron ng karamdaman na malala sa pag tanda ko. di ko hahayaang maubos pera ko sa pag papagamot sa sarili ko. i mean it. na enjoy ko na buhay kaya dapat anak ko naman. gusto ko i enjoy ng anak ko buhay nya. kung may kailangan sya kahit wala ako, e may pera sya, maliban pa sa sarili nyang pundar. alam ko na lalago pa ito at mapapagyaman nya. dahil sya ay pinalalaki ko ng tama. and i will ask him to do the same sa magiging anak nya. at kung maari e higitan din nya.
kung ganyan po ang trato nyo sa anak or magiging anak mo. di ko ma imagine pano trato mo sa ibang tao?