Kapag nagbabawas ng tubig ibig sabihin may leak.
Kung maliit lang ang butas, medyo mahirap hanapin pero ang symptom nito nauubos over time yung coolant muna sa reservoir and then sa radiator.
It takes weeks bago mo mapansin but tataas na dahan dahan ang temp nyan kung hindi napunuan ng coolant.
Kung puno ang reserve at walang laman ang radiator, rad cap naman yan.

It has happened to me before, after two weeks kailangan ko magtop up palagi.
Ang source pala ng leak ay yung aluminum fitting kung saan kinakabit yung lower radiator hose papunta sa engine block.
Corroded na kaya may pin hole leak. Matagal ko din hinanap at nakita lang nung papalitan ko na yung lower rad hose. Kinalas ko yung fitting para malinis ng steel brush bago palitan ng bagong hose at ayun, lumitaw yung pin hole.

Ang mahirap sa mga pin holes, nageevaporate yung tubig kasi mahina lang ang tagas kaya walang bakas minsan.