Sir jodski wala pong kinalaman coolant sa pagtaas ng temp, ang trabaho lang po ng coolant is to prevent water or the liquid from boiling.
To starlord: ano ano ba observation mo?
1. Ung tubig ba ng radiator mo pumupunta sa reservoir at minsan umaapaw? If yes, top overhaul na iyan.
2. Hindi naman napupuno ung reservoir mo, pero nauubos pa nga, pati sa radiator nababawasan. If yes, palit hoses, palit clamps, pakiskis mo maigi ung mga connection na dapat labas ung bakal, minsan kasi may maliit na butas na hindi gaano napapansin lalo na kung may mga dumi.
3. Anong pressure ng rad cap mo, .9 (13psi) or 1.1 (16psi), stay with .9 baka kasi may onting singaw na head gasket mo at sa cylinder pumunta, naloko na pag ganito. Tapos kung tinaasan mo na at nauubos pa din tubig sa radiator, it is either may leak hoses mo, sira radiator mo or may onti ka ng leak sa head gasket.
4. Ipabalik mo thermostat, importante yan baka kaya naka. 3/4 yan kasi manipus masyado tubig sa sa water jacket ng makina dahil umaapaw lagi.
5. Maigi din magpalit ka na lang ng radiator, di kasi ako fan ng linis kasi napakaliit ng radiator ng accord. Nasa 2.5k to 3.5k kay LVC in Banawe ang new set of radiator (may fb sila at posting sa sulit).
6. Since napagusapan na din ang coolant, bili ka toyota super long life coolant, yung premix, 300 petot sa casa at 300 petot sa auto supply. Bili ka 2 bottles (tig 2 liters ang isang bote) no need haluan ng tubig. Bakit ito? Kasi kung may leak ka sa hoses makikita mo agad. Dahil pula ito at pagnatuyo pula pa din, heheheh.