
Originally Posted by
StarLord
Hello!
Thanks po kay Sir Jodski, Sir Romeo at Sir John M.
As of now, dinala ko na yung sasakyan ko dun sa talyer na taga honda mismo. Ngayon, binaba namin yung radiator na nanlilimahid na sobra sa dumi, for overhaul siya ngayon. Sa mga hoses naman niya, ok pa naman ang lahat dahil wala pong leak. Then yung thermostat, i-rerebuild namin siya pag everything goes ok. yung tipong di na aakyat yung temperature sa panel ng 3/4. I know na very important yun kaso yung previous owner ng sasakyan, tinanggal yung sensor sa thermostat pero kaya naman i-rebuild yun.
Nung binili kasi namin yung sasakyan, after ng 2 drives ko to cubao, umiinit siya then nung tinignan ko yung sa radiator, ang gamit lang is tubig then one time nga pagka-uwi ko dito sa amin, kumukulo sa resevoir so sabi ko, may problema nga, ginawa ko, nag-flushing ako then I use prestone ready to use coolant, ok naman kaso pag nakatakbo na ako ng mga 7 kms, nakita ko na ganun na naman at natapon yung coolant. so nung pina-check ko sa servitek marikina, radiator cap replacement na.
Sir Romeo, ano po ang difference ng .9 at 1.1 sa radiator cap? same size lang po ba yun and ano po ang benefits?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -