2013 Fort may hissing sound parang trap air everytime I press and release the clutch. Pero kapag mabilis na takbo like 2nd gear to 3rd gear, 3rd gear to 4th gear, minimal na yung hissing sound if I press/release the clutch. Ito ba yung release bearing problem?
Nabasa ko rin dito sa tsikot before na if papalitan, isang buo na palitan including pressure plate, pilot bearing etc. Pero if hindi pa palitin tong mga to and release bearing lang ang may wear, puwede kayang hayaan muna hanggang magkaron na rin ng wear and tear yung ibang parts para mas sulit ang palit?
Or eat the cost and palitan na rin lahat including pressure plate and pilot bearing kahit release bearing lang talaga ang may problema?