Hindi sa gilid ng cap. sa taas, gusto ko nga sana post picture dito, pano ba mag post ng pix?![]()
^
ung reservoir cap ha? wala naman ibang cap doon kung hindi un lang for the coolant. upload mo dito ung pix: TinyPic - Free Image Hosting, Photo Sharing & Video Hosting and then copy & paste the link here.
Question to Innova VVTi owners:
Ang radiator fan po ba ng innova eh laging umiikot (nka-on)?
I have a 2012 Innova E 2.0. Pansin ko kasi parang lagi umiikot o nka-on ang radaitor fan. Compared to my old honda civic, nag-oon lang yun raditor fan at a certain temp, then mag-off na ulit dahil sa thermoswitch.
Sana po ma-enlighten niyo po ako, baka kasi by design ito ng Toyota.
TIA and more power to all Innova owners! :thumbup:
Siempre kasi nakakabit mismo sa makina ang radiator fan. Yung sa mga front wheel drive, motor driven ang fan.
http://www.4 s h a r e d.com/music/SBOdLyQp/Sound_clip_250.html
tanong ko lang sana kung ano ang problema ko dito? sa engine na po ba? sa Cold start lang man nangyayari.
knocking ba ito pinging or mas worse?
paki tanggal lang po ng spaces sa 4 s h a r e d .
Last edited by kristine123; September 8th, 2013 at 12:23 PM.
2005 AT vvti Innova.
I'm using Fuel save sa Shell, pero last 2 days lang ako nagpalit sa Phoenix Super with 95 octane. Nag Knock pa rin sya.
Cold start lang po sya gumaganon. especially pag nag engage ang Aircon. Pero kahit off ang aircon ganon pa rin.... Sometimes wala naman.
Tingin ko sa fuel mo yan madam, nag ecu scan ka na?
Ako kasi napansin ko may mga gasolinahan na iba ang formulation nila or may ibang halo, kahit na sa big 3, ganun rin. Kaya kapag pa-fuel dun ako sa company owned, hindi yung dealership owned.
Anyway, try to clean your air filter and also yung MAF sensor. Nung fuel save gamit mo ganyan rin ba?
Nag scan na ako sir, walang makita ang scanner. Nalinisan ko na rin po ang MAF and Air Blow and air filter.
Noong lumabas ang fuel save doon na po ako nagpapakarga. di ako nag iba ng station. last 2 days lang ako nagpakarga sa PHOENIX.
hindi kaya Spark Plug ang problema ko? or Fuel filter? dapat bang mag IRIDIUM na po ako? stock po kasi gamit ko.
Pansin ko rin pero not 100% sure, pag may dala akong mabigat nag knoknock na rin ang engine. Paminsan lang po.
Wala naman epekto ang fuel filter sa combustion process, mawalan ka gn hatak pero yung knocking, sa combustion yun.
Kailan last mo palit or check ng spark plugs? Ako kasi naka iridium ako.
Denso madam spark plug ko, nagbago ang hatak, yung pag apak mo ramdam mo na may pwersa agad unlike nung sa dati. 40km/h tumatakbo sya wala apak sa accelerator.Denso IKH20 ang sparkplug, you can buy sa denso mismo. Around 600 ata ang isa.
Nasa 1000 rpm yan kapag yung di pa umiinit makina.
Pwede mo nga gawin yan na, tumakbo hangang 40 km/h na walang apakan sa accelerator, ipabwelo mo lang engine mo umpisa sa 1st gear pa-akyat ng bawat gear.
Pure city drive, 1km per trip and that is 4x a day, not very efficient na takbo kasi di makabwelo ang engine at di rin maabot yung efficient temperature. I get around 7km/liter.
Pero kung long drive, around 14km/l.