kahit ba ang mga naka intercooler possible din ba masira ang turbo nila kung hindi nila i cooldown yung turbo ?
kahit ba ang mga naka intercooler possible din ba masira ang turbo nila kung hindi nila i cooldown yung turbo ?
so sir may speed limit lang pala yan innova?siguro sir factory defect talaga kasi kung nasa driving habit di papalitan ng toyota at sure may question sila..nun dinala namin sa casa then drive nila nag agree agad sila na papalitan..ang tanong lang eh lahat ba ng toyota ganyan..may 4 kami toyota unit at lahat sila d4d engine..ngayon natatakot na kami baka un 2 wala nasa waranty eh bumigay din yun turbo..wag naman sana..
Umilaw ba ang oil indicator sa dash while engine running? Kung umilaw, check oil pump, hindi umaakyat sa turbo ang langis.
Nasa oil quality din at regular oil change, dapat for turbocharged engines no restrictions sa oil flow and oil has high detergency and heat tolerance.
Good practice to observe cooldown process before shutting down engine para hindi mag "coke" o varnish yung oil sa spindle ng turbo becaue of intense heat.
Pag kase bigla mo pinatay ang makina without cooling down, yung langis hindi umiikot(patay din ang oil pump eh), so ang tendency maluto yung oil near the bearing/ spindle ng turbo. Nagiging varnish yon, pag nag stuck-up either mabungi/disentegrate ang impeller wheel or matunaw ang bearing at tumagas ang langis.
Intercooler mas tumataas ang exhaust gas temp dahil mas lean burn. Not all CRDI has exhaust gas temp sensor kaya yung mga naka chip puro overboost, mas prone sa turbo damage.
galing ako kanina sa shop, coincidentally ung turbo din ang problema..... nakabaklas ung turbo nung innova. hindi ko na tinanong details iniwan lang nung may-ari ung innova niya....
Kung parehas lang naman ang makina, same ang turbo nyan.
Mas maraming moving parts, mas maraming pwede pumalya. Dapat alaga lang ata talaga sa turbo ang gawin para wag pumalya kaagad.
ang ginagawa ko lagi is 1minute before turning of the engine city driving
pero kung long drive 5mins idle time before ko turn off specially kung sumisipa ang turbo sa highway![]()
Allow engine to idle immediately after high speed driving or up a hill. Eto yung nasa manual.
Normal City Driving - idling time not necessary.
High Speed Driving
1.Constant speed of approx 80 km/h - idling time approx 20 seconds.
2. Constant speed of approx 100 km/h - idling time approx 1 minute.
Steep Hill driving or continuous driving at 100 km/h or more - idling time approx 2 minutes.
gas yan kasi , walang kaselan selan kumpara sa diesel peru kung NA engine naman ang d4d kahit patayin mo na rin agad wala iingatan na turbo
Btw eh kung alam pala ng toyota na may posibilidad masira talaga ang turbo kung pinapatay agad ang engine, bakit kaya hindi sila nag offer ng turbo timer sa casa.