guys may umiilaw ba yung rear foglamps?according to manual yes, pero hindi ko ma gets kung paano ginagawa. Naninibago pa talaga ako.![]()
guys may umiilaw ba yung rear foglamps?according to manual yes, pero hindi ko ma gets kung paano ginagawa. Naninibago pa talaga ako.![]()
My guess is yung Vios Gen 3.5 sa Pinas magiging push to start engine and folding rear seats mangyayari. Samantalang yung mga kapitbahay natin sa SouthEast Asia, pag release ng Gen 3 stock na yung button and folding rear seats.
Just got my Vios E a few days ago and had it blessed in Antipolo today. Napansin ko lang parang kulang sa hatak ata. Perhaps its my driving (conservative, used to an old 97 Corolla that i set to redline at 3000rpm on 2nd gear). I read sa manual that i can shift to 3rd from 2nd at 90kph (max). Kayo ba ano limits nyo for every gear? City driving
Or perhaps sa karga kong gas (Shell Fuel Save Unleaded) which a friend of mine once told drove his Mazda to a measly 6km/L with little hatak to boot?
Quite worried.
ang ganda ng front ng vios kaso yung likod mas trip ko yung rear headlamp ng city.
*chingpaq
baka siguro nasa break-in period pa yan. btw dyan ko din dinadala kapag papabless ng car sa our lady of peace and good voyage.
May way ba para ma maintain yung kintab ng auto? Pag nag wash and wax ako then umulan o kaya naman alikabok sa byahe pag uwi ko parang dull na sya. Pag mas matibay na wax ba punas punas lanf or duster ok na?
Anong color kaya ng leather seat cover bagay sa beige interior? Or meron pa bang ibang material na hindi leather, mainit kasi pero hindi din tela na ordinary lang.
kahit anong wax ang gamitin mo, kakapit at kakapit pa din talaga ang dust. bakit? kasi static.
read here: Static Electricity and Dust Attraction to your Car's Paint - Auto Geek Online Auto Detailing Forum
thanks mga bro. maybe I just have to leave it as is then weekend wash na lang.
guys may idea ba kayo kung ano any suspension system ng new gen.vios? share naman your thoughts about this… some SA's says
*double wishbone
*mcpherson strut
*same as the previous gen. na vios
*iba ang suspension ni G variant kay E & J
ano ba talaga? same lang din ba suspension nya kay outgoing altis? I know naman na subcompact parin naman si vios kaya given na yung tagtag..decided na kase ko kay Vios but then again after kong magtry sumakay sa mga iba't bang taxi na vios..parang ramdam ko yung mga humps and bumps lalo na sa rough roads sa city..the same lang ba yung suspension system ng mga vios na taxi sa new gen. na vios?
Nung nagpa service ako ng vios ko, me katabi ako na previous gen. Both our cars are on lifters,tried to compare, basically the same.
Just like i said sa ibang thread, im not bringing my vios on an out of town trip again. Tahimik man ang engine, suspension never bottoms out, malambot upuan. Matagtag pa din. Sabi ng anak ko,masarap pa daw sa innova namin.
Last edited by shibby75; November 27th, 2013 at 10:22 AM.
Thank you sir sa reply…anyway ako man first choice ko din sana is innova or higher end na SUV para iwas baha din and given mas magandang suspension..pero yung vios kase kaya ng budget ng family..bothered lang ako na sana hindi naman kasing tindi ng mga kalampag ng mga vios na taxi..
I hope much better na yung suspension ng new gen Vios sa mga pang taxi na Vios…
I dont know about the tagtag since city drive lang ako nakagamit ng previous gen vios. Pero bottoming out ng suspension has been improved. Sa previous gen, humps lang tukod na.
ramdam ko tagtag sa edsa. worried nga ako nung una kasi akala ko flat ako hehe.
Pa OT mga kapatid.... Ok lang ba ang Bosch Europa (silver) sa vios natin? Napapansin ko yung stock horn ng vios pag binubusinan mo lalo na mga naka motor naka open pipe di nila marinig. Para sa akin delikado kung di nila tayo mararamdaman lalo na sa hi-way. Any suggestions na horn?