
Originally Posted by
Eph Valenzuela
Mga boss Wigo owners me close friend ako na gusto kumuha ng kanyang first car and she wanted my opinion eh di naman ako expert. So takbo ako dito sa Tsikot para magbasa basa ng konti. Obviously, gusto nya kuha ng Wigo and sabi ko na mukhang okay siya because Toyota siya and since pang city-driving lang naman sabi ko sa kanya eh makakatipid siya sa gas and di gaano malaki hindi mahirap i-maneuver.
Now, after going through some back-reading sa thread na to, and sa mga iba pang non-Tsikot reviews about the car, me mga nbabasa ako about sa nagiingay na engine, nanginginig pagka naka 60-80kph and I wanted to verify kung true ba ito? The reason natanong ko ito is ibbyahe din nya daw ito tuwing umuuwi siya sa Angeles, Pampanga and natural dadaan ng NLEX probably once a month.
Kasi if true na nagiingay/nahihirapan ang makina pag nag 60-80 kph then I might suggest na she get a Mirage 1.2 as compared to a 1.0. Although not sure if walang ingay and other similar related engine issues ang Mirage.
Thanks!