Wala na fender line sa loob kaya wala ng sasayaran.
Bumper ko lang madalas sumayad, lalo na sa mga stopper ng mga parking. Dati nga nagtrip pa ako na magpalagay ng chin, ayun nahulog yung buong bumper ko nung nagpark ako sa inclined. Di kinaya kahit patalikod. Result, rubber lip na lang.![]()
mga brad tanung ko lang ilang ikot ba ang standard ng spring ng vios sa likod? Nabili ko kasi ng 2nd hand vios ko parang nakatingala at laging na sayaf sa humps.. Balak ko itaas ang likod magkano kaya? Thanks
Posted via Tsikot Mobile App
Mga sir.. tanong ko lang po.. Kung low catch plate ba na struts eh nkakababa din ng fender gap??...
naka lowering spring na po ako but mataas pa din front gap para sakin.. btw, corolla bigbody, 2e engine sir.. Sabi ng mga kaibigan ko eh magaan ang makina kaya hindi masyado bumaba..
TIA!!![]()
balak ko sana i lowered honda civic ek ko
sabi ng ka work ko ok lang daw kahit putol spring nalang dahil honda
maraming ikot daw spring nun kaya ok lang hindi tulad sa toyota na konti lang.
nagtanong din ako sa isang kilalalang shop sa amin.
naglolowered daw sila ng civic putol spring 500 pesos so four e di P2000
then after putol paiinitin at babatakin yun spring.
plus KYB gas shock absorber 1850 pesos each.
balak ko sana bagong KYB lowering spring at KYB gas shock absorber
pero napapaisip ako dahil lahat ng natanungan ko ok lang daw yung putol sa honda. angulo haha!!!
^ kung ako sayo ipon na lang ako ng pambili ng lowering springs saka bagong shock absorber. Marami naman second hand na lowering spring na binebenta. Ingat ka lang, dapat alam mo na orig ang bibilin mo. Marami na nabiktima ng secondhand/surplus lowering spring kuno, yun pala peke. Stock lang na ininitan tapos pininturahan. Saka delikado din yan pag pinutulan tapos iinitan pa. Mag suffer ang integrity ng springs mo nyan. Pwedeng mabiyak na lang sa isa sa mga coil ang spring mo. Hassle yan lalo na kung nasa byahe ka. So better pa din kung lowering spring, ika nga eh. Kabet and forget. May peace of mind ka.
Posted via Tsikot Mobile App
how about lowering spring vs. coilover sleeves? (not coilovers.) paki explain. thanks.
bili ng lowering spring, wag putol matagtag para kang nag drive ng owner type jeep.
nasubukan na namin ng pinsan ko sa nissan sentra nya.
basically, coilover sleeves and coilovers are the same. but the problem with coilover sleeves is, it's just like a lowering springs, you can't adjust the damper settings unlike the coilovers. so kung mag coilover sleeves ka, ipon ka na lang para sa coilover. ganon din mag sakripisyo ka din sa tagtag sa coil sleeves eh di mag coilover ka na. and nga pala, sa coilover basta makuha mo yung gusto mong setting eh pwede mo ma achieve yung comfort ng lowering springs. then kung ang purpose mo lang naman eh to lower the car and pwede mo pa din ipang daily na hindi magagalit misis mo sa tagtag, mag lowering springs ka na lang.
*saksidriver Pag nakuha ko na yung gusto ko na setting's pag naka coilover nako (BC,Dynamics, Tein, etc...) tolerable pa rin ba yung tagtag at pwede ko pa rin ipang daily driven ang auto kahit naka coilover ako or iigsi ang buhay ng aking coilover?
^ wear and tear factor, pero syempre nasa paggamit mo din and condition ng kalsada na dinadaanan mo. Good thing sa mga coilover eh pwede i rebuild. Marami na gumagamit ng coilover pang daily. Nasa preference mo na lang din talaga yan kung kaya mo ang tatag.
Posted via Tsikot Mobile App
+1 dito.
maraming klase ang coilovers. merong coilovers na "street" at "race/track use".
kung lowering lang talaga ang habol mo, pwede na yung "street", hindi ito masyadong matagtag, kadalasan na spring rates nito 7kg/mm na ang pinaka mataas. piliin mo din yung "full-thread" design na coilover para pwede sagad yung drop.
mas tatagal din ang buhay ng coilovers kesa sa lowering spring + shocks combo kasi pre-valve na ang shocks ng coilovers based sa spring rate nung springs. ibig sabihin, perfectly match sila sa isa't isa.
Guys may alam po ba kayong credible na nag bebenta ng coil spring or lowering spring? (May difference ba sa dalawa?) Bigay kasi sakin nang dad ko yung project car 1991 Toyota Corolla Wagon, ako na daw mag tuloy para magkaroon ako ng hilig sa sasakyan.
Sobrang tagtag as in super duper. Ang nipis kasi nang gulong tapos sobrang laki nang mags. Ang suggestion nya sakin is palitan daw ng spring.
Saan po kaya merong nag bebenta ng spring + installation na rin na credible at fair ang price. Preferably near Makati PRC/Shopwise area, kung wala ok na ako dumaya sa QC. Ito nga po pala pic nang auto:
Thanks guys!
^^ first of all... Nice old school.
Springs, alam ko hindi naman gayon kahirap maghanap ng springs niyan. Putol ba current spring or coil over?
There are some well known brands that offer lowering springs. Sa itsura kasi ng oto too drop, hanap ka ng spring set with only 1.5 inch drop.
Hanap ka sa banawe or evangelsita. Madami dun lower na pwede sa oto mo.
^^ yup yan ang advantage ng coilover, pwede mo i adjust depende sa purpose mo. And iba din talaga ang drop ng coilover. Pwedeng drop kung drop. Unlike sa lowering springs na minsan mabibitin ka sa drop.
Posted via Tsikot Mobile App
Sir, na aadjust din po ba yung bounciness nung spring ng coil over?
Kailangan ko kasi mag palit ng lowering spring kasi natigas daw yung spring nung nabiki nung dad ko dun sa auto ko eh. Need ko nga daw po mag palit ng ball joint dahil sa tagtag nung spring etc.
Thanks