naka 4000km na rin ako sa 2005 ynx gsi m/t ko. noong nakaraang linggo bumiyahe akong norte papuntang vigan. may kapangitan ang daan sa bandang ilocos sur, dito rin sa tarlac at pangasinan. pagbalik ko dito sa metro manila napansin ko ng may kabigatan na ang aking manibela. dinala ko noong martes sa ford edsa pero sabi nila ok naman daw. kahapon pinacheck ko alignment sa servitek, ok naman din daw. tsinek ko rin tire pressure, ok naman. so kaninang umaga dinala ko ulit sa ford edsa. test drive namin ng technician nila. una siyang nagmaneho tapos ako. sabi niya normal daw yung ganoong bigat. so wala silang ginawa. may device daw sila na nagsusukat ng steering effort at pasado naman daw yung steering ng kotse ko. paano ko kaya mareresolba ito? hindi ako kumportable sa sitwasyon ng steering ng kotse ko. ano pa ba ang sanhi ng pagtaas ng steering effort? maraming salamat sa magiging sagot niyo.