Results 881 to 890 of 3844
-
March 31st, 2011 12:21 AM #881
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 123
March 31st, 2011 01:52 AM #882Para hindi kalawangin ang cooling system,kailangan ang coolant kahit 1/4 lang ng total volume ng tubig/coolant sa cooling system.Napapaigse ang buhay ng water pump at mapapadalas ang pag-overhaul sa radiaor kung may kalawang sa system.Kakalawangin din ang water jackets ng makina pati na ang freeze plugs(takip ng water jackets).Minsan,bumibigay ang freeze plugs kapag kinalawang ng husto at tatagas ang tubig/coolant sa makina.Pag nangyari itoy baka maoverheat ang makina kung di agad mapansin na tumaas ng husto ang temp. gauge. Masama sa makina ang maoverheat lalong lalo na sa diesel engine.
-
March 31st, 2011 12:08 PM #883
magandang umaga sa lahat.
tanong ko lang mga guru:
1. bakit ayaw umandar yung mb namin? nung martes nagpachangeoil kami at ok pa naman pero kagabi nung pauwi nako galing trabaho hirap na paandarin, mga 4 clicks siguro bago umandar e dati naman isang click lang andar na agad. At kaninang umaga ayaw na umandar, umabot na sa 6-7 clicks wala pa rin kaya nagcommute nako papuntang trabaho.
2. eto medjo matagal ko na rin napapansin,bakit pag bagong andar e maingay siya pero pag inpakan ko yung clutch nawawala?
salamat at mabuhay!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 230
March 31st, 2011 01:20 PM #884pieces boy, about sa clutch kapag maingay tapos kapag inapakan mo clutch at nawawala ingay normally ang problema release bearing lalo na katagalan na at natutuyo na yung grasa sa loob ng bearing,
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 230
March 31st, 2011 01:34 PM #885sir aga ganyan din ang problema ko sa mb ko , nag palit ako ng apat na shock 2 bago sa likod , at 2 surplus sa harap kay saluna sa banawe ko binili lahat at dun ko din pina kabit, matagtag din yung harap ng mb ko , kapag sa humps ok ang laro ng shocks , pero kapag nasa lubak kana, kahit maliit lang , ang maririnig mo . sa loob ng van , sounds TOG ,TOG ,TOG , ang tire pressure ko naman sa harap is 38 psi may sakay man ako or wala same sounds matagtag talaga,mga ka mb ussually ano ang cause ng ganito problema , BALL JOINT BA , OR SUSPENSION BUSHING , or any other cause pa , tnx mga sir
-
March 31st, 2011 01:46 PM #886
try ko mag add ng coolant pahinga kasi mb ko ngayon puro kotse lang gamit k araw araw kaya parang napaparanoid ako , napapagkumpara ko siguro kahit na magkaibang sasakyan thanks sa advise ..
sir hyundai binalik ko na lang yung lumang shock absorber ko sa harap kahit na malamabot smooth ride naman kaysa naman dun sa bago di nga sumasadlak tagtag naman lalo na sa edsa at yung biglang angat at baba sa nlex
kala mo wlang suspension o putol ang spring ang ride eh ,, sayang lang 1.4k ko
kung totoo man bini-break in ang shock absorber para lumambot hehe kelan pa kaya yun..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2011
- Posts
- 123
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2010
- Posts
- 38
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2010
- Posts
- 95
March 31st, 2011 05:22 PM #889Wala namang problema kung gagamit ka ng monograde na SAE40 basta regular ang frequency ng change oil/filter mo. In general, every 3,000km. kung severe usage. 5,000km. kung normal usage. Yung 10,000km. ay pang gasoline engine lang kasi kokonti o bihira lang ang pagkakaroon ng fuel contaminants ang engine oil na di gaya ng diesel engines. Yung multigrade ay ginagamit yan sa mga bansa na may winter season gaya ng Korea. Yung ambient temperature nila ay bumababa ng 15 deg.cent. at may posibilidad na lalapot ng sobra ang oil at mahirapan umandar o seize engine dahil walang oil circulation. Ang pilipinas naman ay tropical country, walang posibilidad na ma-frozen ang oil pwera lang sa bandang Baguio city na kailangan gumamit ng multigrade oil para sa pag-start ng makina sa umaga pero di naman ma frozen ang oil. yung mga marine diesel engine ay SAE40 lang ang gamit kasi may mga oil heater. 5 yrs. na sa akin mb100 ko at SAE40 lang ang gamit ko. Binabyahe ko ng Bohol at Davao pati baguio at hanggang ngayon ayos pa naman ang makina.Share ko lang.
-
March 31st, 2011 05:41 PM #890
*sir dagol
sir hindi po kami nagpapalit ng fuel filter. ano pa kaya dahilan bakit ayaw ng umandar at bigla nalng ganun nangyari? meron kaya sila "nasagi" o "nagalaw" na iba?
If you don't have a spare tire, a tire inflator using the socket of the car as power outlet is the...
Liquid tire sealant