sir toyquest,ok naba yung mb100 nyo nagawa naba sir.
Mga sirs need help here, yung temp. gauge ng MB ko lumampas sa half ng kunti pero i noticed kaagad kaya tinabi ko tapos di muna pinatay engine. kumuha ako basahan then daha dahan ko inopen yng radiator cap kulong kulo ang tubig (UMASBOK SYA)at halos isang galon at kalahati naisalin ko still buhay pa rin ang engine tapos pag tingin ko uli sa gauge back to half na ulit sya. my suspect is baka yung oil cooler na may problema kasi ang lakas na talaga ng tagas nya. kasi almost 2 days na ka park yung van ko sa garahe ang lakas ng tulo ng tubig mula sa oil cooler pero kapag gamit ko ang van hindi naman sya natulo. sa tingin nyo kaya lumala na yun tulo nya kaya nag overheat yung van or may iba pa cause like yung cyl head or cyl head gasket? ngayon lang kasi nangyari sa van ko ito. thanks in advance sa inyo mga ka tropa
sir louise 17 4,000 po ang pang ssangyong pero hindi ko po kinuha yun kasi cmc ang mb ko at sabi ni grace ng apic nagooverheat yung mga ssangyong na radiator kasi laki ng difference sa laki ng radiator ng cmc at ssangyong pero yung 7,500 na radiator ay yung pang cmc
sir yung ibaba hindi pumuputok yun,maliban kung matatamaan ng bato,kadalasan pumuputok yung ibabaw kung madumi,nagbibuild up yung pressure sa ibabaw.at kung sa init naman lagi malamig yung ilalim kasi dumaan na sa mga cooling coil ng radiator.besides pahigop na yun at pabuga naman yung ibabaw.nagpapagawa kami ng ibabaw nuon sa amin sa bulacan,1800 lang,stainless hindi tanso ang gamit.
sir jonlan, dinala ko na sa pagawaan. sabi nila pede naman daw i-disable yung oil cooler. tanong ko lang sir wala ba magiging epekto yun sa makina? hindi ba madali mag init ang langis? yun mga sangyong kasi wala talaga oil cooler
Mga Sir,yung MB po namin mahina ang aircon. Medyo malamig naman sya kapag hndi mainit ang panahon pero pag sobrang init na ng panahon at gusto kong i-ON hindi na nya kayang lumamig. Ano po kaya ang dapat kong gawin?
dual condenser po.... at be sure yung condenser nyo sa harap maganda pa din ang daloy.... ka tagalan po kasi nag babara na ang condenser hindi nakakadaloy mabuti ang freon sa loob kaya nag hi pressure..... at malaking bagay po talaga na dalawa ang condenser ng mb...
Sir glenn, anong gamit mong rim, yung rim ng mb parin? Gusto ko sanang palitan ung mga rim ko, pero di ko sure kung may R16 na pangMB.
sir yung original na mags po pa din ang gamit ko size 16" WAla daw po nabibile na kasukat ng butas ng mags natin... ang ginagawa eh naglalagay nalang ng adaptor.... para kahit anong mags pwede po.... yung sakin pininturahan ko lang ng white tapos naka top coat ng anzal na car show finish...
Eh Safe naman kya gamitin ung adaptor sir? Tsaka bka labas na ung gulong kapag nilagyan ng adaptor sir.
Mga ka MB update lang. nag papalit nako ng clutch SECO ang binili ko. kay Rexstar ko binili pero sa GoodGear ko pinakakabit kina Arnel. Pinalitan din yung engine support pinong pino ang andar ng makina halos walang vibrate na nararamdaman sa loob ng Van.
Pinag kumpara ko din yung Valeo at Seco ng clutch cover at disc. Try ko post mga photo.
http://i1094.photobucket.com/albums/...5-01114029.jpg
http://i1094.photobucket.com/albums/...5-01113845.jpg
http://i1094.photobucket.com/albums/...5-01113803.jpg
pasensya na hindi ako marunong mag post ng picture dito. Yung bago Seco at yung luma Valeo. yung luma ko nung yr2001 pa yan nakakbit.
Speaking clutch mga ka-MB, nagtataka lang ako sa clutch ko, pag malamig ang makina malambot at malalim ang clutch ko pero pag ginamit ko na tumitigas ng konti tapos tumataas na. Ok naman siya walang diprensiya. Meron din sa inyo nakaranas nito?