mga sir, ask ko lang po. bat po pag nag a-accelerate ako at nka apak sa accelerator nanginginig po at parang nag jejerk pag abante. pero pag binawasan ko apak ko, nawawala naman po. thank you po sa mga mga tulong![]()
mga ka MB saan po kaya ang problema ng wiper ko kasi hndi siya nabalik sa dapat nyang pwesto kailangan isasakto mo sya bago i off tapos pag nag INT naman ako andar lang sya ng konti hindi full as in bigla nalang nagkaganon sana po matulungan niyo po ako sa problem ko TIA...
sir jjj subukan mong tanggalin yong knot po sa may motor ng wiper tapos tanggalin yong nagpapaikot ng wiper at paandarin mo po yong wiper then off, tapos iayos mo po yong wiper blade kung saan dapat sa baba ng salamin sa harap, tapos balik mo yong wiper connector sa sa may motor dapat straight po sya then higpitan po yong knot.
sir pag dun ko po i adjust lalagpas po siya sa baba po... ano po ba nag control sa wiper ng MB natin pati yung timer ng INT? baka po kasi dun yung problema
hindi sir,parang isang rectangle na block yun.nasa loob yung tubo ng oil na may cooling coil,tapos dumadaloy naman yung tubig sa paligid.
cmc lang meron nyan.pero hindi big deal yun.regular naman ang change oil e.it was designed kasi para sa middle east yung cmc e.madami nun sa middle east.
mali ang timing nung mechanism dun sa likod ng wiper motor or sira o maluwag na yung bushing ng wiper arm,yung tinatakpan ng wiper cowl ang location nun.
or nagloloko yung TACIS kung sa int naman or yung switch sa may manubela.
yung TACIS located sa may tabi ng fuse box,parang computer module;
mga ka MB gooday!
tungkol po sa (FC) fuel comsumption natin, ano po ba mga kailangang linisin o imoditfy kung kailanagan para
maging matipid van natin?
FC: 10km/L highway (62L)
speed: 80-110km/h (avg speed 62kph) including stop over
route: Cagayan to Manila
distance: 620km
driving condition: (night) light traffic
according sa pinsan ko mga ka MB mas matipid daw sa kanya MB din, kaso pinalitan niya daw yong nozzle tip dati raw 9km/l naging 12km/l, so ano po ba tamang pressure ng nozzle natin?
mas lower ang pressure ng nozzle mas fuel efficient daw. yung sa akin 110psi bago yung nozzle.
sir jonlandayan na rerepair ba ang TACIS and ano po ba meaning ng TACIS hehehe.... suspetsa ko po kasi baka yung TACIS/module ang me problema kasi maayos naman po ang switch tapos pag nag IINT ako at ang timer ay slow aandar lang ang wiper ng konti pero hindi niya natatapos yung buong cycle and 1 pa po na rerepair din ba ang motor ng wiper natin kasi medyo mahina na po ang wiper ko... kaya ko naman po na pagsuspetsahan ang TACIS kasi inangat ko po ang wiper blades ko at talagang hindi niya po natatapos yung buong cycle niya po... TIA sa reactions...
tacis problem yan sir madalas na sirain sa mb ganyan din yung akin sira pag naka int lang hangang gitna lang ang na wiwipe tapos para tumuloy nilalagay ko na lang sa number 2 hehehe di ko na pinagawa minsan lang naman ginagamit baka pag pinagawa ko pa me madamay pa iba ^_^
Magandang Araw mga ka MB. Bago lang ako dito kasi this month ko lang nakita ang forum nyo, maganda at marami kaagad akong natutunan.
Binabasa ko nga ang thread from page 1 para mas marami matutunan. Bagong kuha ko lang din ang MB ko last dec. 23 sa Lucena City pero dating may-ari ay taga Trece Martires Cavity.
Mga ka MB baka may kilala kayong magaling na mekaniko dito sa Quezon Province kasi gusto ko pa general check-up MB ko makina at pang-ilalim kasi di ko alam history ng sasakyan panigurado lang sa kondisyon ng sasakyan.
Thanks..
Magandang araw mga ka MB. Tanong lang po kasi ng mabili ko po itong MB ko nakahiwalay na sa susian ang heater switch pwede pa ba ibalik ito sa susian at madali lang po ba ibalik ito? hindi rin siya one click sa pagstart kailangan mga 8 to 10 sec mo press ang heater switch before siya magstart bago naman lahat ng heater plug.
Salamat po and more power...
wag mo na sir ibalik baka kaya nakaganyan yan short na ang heater fuse nyan kaya gumawa na ng panibagong heater button
wala naman po kaso yan sir normal lang ang 8 sec push para mag start mas maganda nga mas matagal para pag start mo malakas sipa ng starter btw ganyan ginagawa ko sa mb ko eh dalawang beses ko hini-heater para walang fuel knock pag umistart ^_^
Maraming salamat po sir Aga. Ang ganda pong magbasa ng forum dito talagang marami pong natututunan at ang ganda ng samahan. More power po sa lahat....