uy Genie!!! ayos dyan.. hehehe
^^ yup alam ko marami galit dyan kay caguioa, kasi pinaPANIS sila lagi ni Spark eh,,
pero isa pa, alam ko ung mga media votes malaki dn ang percentage eh, and ang alam ko hindi maganda ang relasyon ni Mark sa mga mediamen.. kaya nga di sya manalo nalo ng MVP eh.
IMHO, dapat tlga basis ng MVP is ung halaga ng player sa team, and kung nananalo ba ung team nya. mukhang swak na swak si caguioa dito kaya sya dapat magMVP kundi LUTO nanaman!
sa vote ng press natalo si caguioa..kaya nga nanalo si james yap last season instead na si kerby raymundo dahil ma PR si kris aquino (gifts) hehehe
parang sinabi nga niya na hinde siya magiging MVP, dahil hinde daw niyanhahalikan mga pwet ng media...
parang nalaglag po sa si Mark kasi maaga na eliminate din ang Ginebra
,(remember tinalo sila ng Red Bull), at everytime mananalo ang team ay may plus points po ,eh tanggal na nga ang Ginebra,kaya naiwan ang stat ni Caguioa,at malapit sa stat ni Mark ay sina Kerby at James..since sila na pumasok sa Finals .sila na din ang naging magkalaban
yup, tama ka boeing regarding ka caguioa, pero yun laban between yap and raymundo dapat si raymundo para sa aking ang MVP, sa tingin ko lang naman ang naging factor eh yun asawa niya si kris aquino, diba maraming balita noon na nagpapakain si kris sa mga press, etc..
I'm not saying na hine magaling si yap, pero hinde pa siya MVP caliber player...
agree ako diyan sir shadow,IMO si Kerby "Abet Guidaben" Raymundo ang dapat nag MVP doon .kakaawa nga noon tinalo sia ni Enrico ,tapos tinalo na naman uli ni Yap
iyon issue re kay Kris.pwedeng tutuo talaga na may gumamit ng mahiwagang sobre ,di ba ganyan ang kalakaran sa showbiz kaya ini adopt na lang cguro ni KA ang sistema kung paano ang bigayan ng awards
kaya dapat baguhin yun format ng pag vote ng MVP, masyadong malaki point binibigay sa media, kadalasan kung sino binoto ng media yun na ang nanalo dahil "block voting" sila eh
ano ba Email address ni Commish Eala.para sabihin natin ang opinion natin
at manalo na si Mark the Spark Caguioa,magaling naman talaga mag laro .kahit hindi sia kalakihan pero nakakasabay sia sa mga malalaki
Dapat sa stats lang ng player ang basehan para sa MVP hindi dapat isama ang press people puro bayaran mga yan. Hindi mo lang mapagbigyan sa gusto nila sisiraan ka na.
and tingin ko dapat may cut-off ang stats ng players vying for MVP...dapat before finals cutoff na, tapos based na s stats eliminations, quartefinals, semis. hinde porke hinde nakapasok sa finals ang team ng isang player na in running for MVP, hinde ibig sabihin hinde MVP type game yun nilaro niya ng elimination,quaterfinals and semis, kaya nga meron finals MVP para iba nanaman based lang sa finals ang stats.... dahil syempre iba talaga ng laro pag finals and pre-finals...
kasi medyo unfair sa player na running for MVP or leading the stats sa elimation, kung maganda namna talaga laro niya the whole season (pre finals) tapos sa semis ang team niya natsambahan ng opponent lets say winning shot and natalo sila, so balewala na yun magandang game niya the whole season dahil hinde nakapsok ng finals team niya....
tapos siguro ang voting siguro dapat pantay lahat percentage, paano ba ang percentage ng voting system ngayon? parang malaki yata sa media eh...
25% media
25% players
25% coaches, team managers & owners
25% fans/people from the commisioners office or PBA
Last edited by shadow; December 5th, 2006 at 02:56 PM.
ahahay! talo sta. lucia....talo din red bull!
lahat sumusuporta para maging no.1 ang Baranggay Ginebra!