Results 1,331 to 1,340 of 4513
-
October 23rd, 2006 06:46 PM #1331
para sa mga ginebra boys 'to
Tubid sa Ginebra?
FREE THROWS Ni AC Zaldivar
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/23/2006
Sa tutoo lang, hindi balansyado ang Baranagay Ginebra sa umpisa ng Talk N Text-PBA Philippine Cup matapos na makakuha ng tatlong malalaking manlalaro buhat sa Coca-Cola.
Lumakas nang husto ang frontline ng Gin Kings sa pagkakalipat nina Rudy Hatfield, Rafi Reavis at Billy Mamaril na pawang mga big men. At sumikip talaga ang rotation nila sa gitna dahil nasa poder pa naman nila sina Eric Menk, Romel Adducul, Andy Seigle at Mike Holper.
Dahil dito ay bumaba ang playing time ni Adducul sa 12 minutes kada laro samantalang hindi muna napaggagamit sina Seigle at Holper.
So, kahit na sabihing lumakas ang Ginebra, hindi naman magamit ni coach Joseph Uichico ang full potential ng lahat ng kanyang mga manlalaro. Hindi naman kasi pwedeng pagsabayin ang 12 players dahil lima-lima lang ang basketball.
Kaya naman okay na rin para sa Barangay Ginebra ang pangyayaring ipinamigay nito sa San Miguel Beer si Adducul kapalit ni Paolo Hubalde at draft pick.
Dahil dito ay hindi magiging masikip sa gitna at maaayos ang rotation ng big men ni Uichico.
Pero hindi pa rin matatapos ang pagtetrade ng mga players ng Barangay Ginebra sa hangaring patuloy na balansehin ang line-up nito at malakas ang ugong ng balitang nakikipagnegosasyon ang Gin Kings sa Air 21 para makuha ang serbisyo ni Ronald Tubid upang mapalakas naman ang kanilang backcourt. Isang future draft pick ang magiging kapalit ni Tubid.
Sinasabing done deal na ang trade na ito pero hindi pa itinutuloy ang paglipat ni Tubid sa kampo ng Gin Kings dahil kulang pa ng manlalaro ang Air 21. Hindi na rin kasi nakapaglalaro ang Slam Dunk King na si Niño Canaleta na nasiko ni Tubid sa ilong sa laro ng Air 21 at Ginebra noong Oktubre 11.
Kapag nakabalik na si Canaleta ay itutuloy na ang paglipat ni Tubid. At malaki din ang pusibilidad na kunin ng Air 21 ang rookie free agent na si Abby Santos o kaya’y pabalikin nila si Bruce Dacia.
O kaya panatilihin na lang ng Air 21 ang 11-man line-up dahil sa kaya naman punan ng mga tulad nina Gary David, Leo Avenido at rookie Arwind Santos ang puwestong babakantehin ni Tubid.
Kung tuluyang lilipat sa Ginebra si Tubid ay magsisilbi siyang chief back-up ni Mark Caguioa na noong huli nilang pagtatagpo ay nakaasaran pa nga niya. Puwede naman nilang kalimutan ang kabanatang iyon, at magtulong para sa ikatatagumpay ng kanilang team.
-
-
October 23rd, 2006 09:00 PM #1333
-
-
October 25th, 2006 11:58 PM #1335
ganda ng laban TnT vs. Purefoods..Triple OT
Purefoods 109 - TnT 103
-
October 26th, 2006 01:48 AM #1336
ganda ng laro kanina between tnt and chinkee giants. nakakabangon na ulit team ko! go giants! fafah kerby and fafah james!
-
October 26th, 2006 03:31 AM #1337
Sta.Lucia 105 vs Rred Bull 83
mukhang ma mimiss na ng Barakos si Lordy Tugade...hehehe
-
-
October 26th, 2006 04:21 AM #1339
ang tataas din pala mga player ng Sta.Lucia...
Williams
Espino
Aquino
Isip
Duremdes
Calimag
Gonzales
Omolon
Catli
Alin kayang team ang may mataas na Average Height sa PBA ngayon
-
October 26th, 2006 08:02 AM #1340
Sell your car quickly and easily with carforcash.ae, the trusted platform for getting the best cash...
Help looking for Audi service shop (non-PGA)