New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 81 of 452 FirstFirst ... 317177787980818283848591131181 ... LastLast
Results 801 to 810 of 4513
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #801
    i think nakalagay sa newspapers na ang kukunin ng sta lucia na first draft pick ay si arwind santos, balita din daw na nagkakaproblema sa papeles sina williams,devance at reyes, sana wag naman coz magagaling tong fil ams na to..

  2. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    13,134
    #802
    By Beth Celis
    Inquirer
    Last updated 04:06am (Mla time) 07/19/2006

    Is it true that Fil-Ams Joe de Vance, Kelly Williams and Rob Reyes, who all have applied for the 2006-07 PBA draft, had failed to complete the documents required in time for the deadline?
    mukhang delikado nga yung mga 'to

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #803
    sayang mga iyon kung sakali ,,
    pero si Kelly Williams di ba personal recruit ni Chot Reyes iyan sa Las Vegas kaya check nya muna roots ni Williams

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #804
    yeah, si chot reyes nagrecruit kay kelly williams nung pmunta sya sa america, williams even represented the country in last years jones cup.. rob reyes according to reports ay nephew daw ni ex pba player eric reyes, so how come nagkaka problem din sya..

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #805
    Quote Originally Posted by KG21
    rob reyes according to reports ay nephew daw ni ex pba player eric reyes, so how come nagkaka problem din sya..
    nag tataka nga din ako ,pero mas grabe ang nag yari sa Seigle Brothers noon ,

    Si Andy nag ka problem sa papers niya at di ba muntik pa sila madeport ,
    pero si Danny ay na clear ng PBA ,pareho lang naman ang magulang nila...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #806
    yeah, nakakapagtaka nga din yung sa seigle brothers, something fishy ah...
    sayang tlga si kelly williams kung d nga sya makakalaro sa pba, mapapahiya si coach chot reyes at ang philippine team ..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #807
    mga guys galing sa abante-tonite.com

    AWOL na naman daw itong naging rookie ng Sta. Lucia na si Alex Cabagnot Jr.

    Nabalitaan nating pagkatapos na pagkatapos ng huling laro ng Realtors sa katatapos pa lamang na Philippine Cup - isang 111-105 na panalo sa Talk N Text noong nakaraang Hunyo 5 - ay nagpaalam na umalis papuntang US itong si Cabagnot.

    Pero hindi siya umano pinayagan at sinabihang pagkatapos na lamang ng isang meeting siya umalis dahil pag-uusapan pa kung anu-ano ang mga susunod na hakbang ng koponan at kung kailan uli sila mag-eensayo pagkatapos silang bigyan ng maigsing bakasyon.

    Pero talagang pasaway ang Cabagnot dahil kinabukasan, o June 6, ay talagang lumipad patungong US.

    May balita pang gusto raw nito munang mag-leave of absence sa Sta. Lucia para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa University of Hawaii-Hilo kung saan konting units na lamang ang kanyang kulang para makuha ang kanyang diploma.

    Pumirma ng tatlong kontrata si Cabagnot para sa Sta. Lucia. Kung totoong gusto muna nitong bumalik sa pag-aaral, nasa SLR na kung siyay papayagan pero dahil sa mga pasaway na pinaggagawa nito ay sino ba namang koponan ang maniniwala sa kanya.

    Sa isang Internet search na ating ginawa kahapon ay nalaman nating naglaro sa Southern California Summer Pro League itong si Cabagnot, isang bagay na bawal sa kanyang kontrata dahil nga under contract ito sa SLR. Naglaro ito para sa LA Stars sa ligang ginanap mula July 8 hanggang 19.

    Ito ang parehong ligang sinalihan ng Talk N Text bilang paghahanda ng Phone Pals sa darating na bagong PBA season na magsisimula sa October 1.

    Nakalimang laro rin si Cabagnot sa nasabing liga, kabilang ang laro noong July 19 laban sa TNT kung saan nanalo ang LA Stars 102-94.

    Bukod sa bawal na paglarong ito, hindi man lang nagpapakita o nagpaparinig si Cabagnot sa SLR.

    Dahil dito, ang balita natin ay binibigyan ng ultimatum ng SLR ang nasabing player na mag-eksplika sa lalong madaling panahon ng kanyang mga pasaway na pinaggagawa.

    Gusto yatang ma-ban na ng tuluyan ni Cabagnot. O baka mademanda pa ito ng breach of contract.

    Maaalalang hindi ito ang unang pagkakataon na naging pasaway itong si Cabagnot. Hindi bat pagkatapos siyang ma-draft ng SLR noong nakaraang taon ay umuwi rin ito sa US at hindi na nakipag-usap sa kahit kanino pagkatapos siya umanong meron hindi nagustuhan sa alok sa kanyang kontrata ng Realtors.

    Pero naayos naman ang gusot at pumirma nga siya at nakapaglaro ng maayos.

    Sa katunayan ay nag-average ito ng impresibong 10.1 points, 3.3 rebounds, fifth conference-best 4.9 assists at ninth-best 1.4 steals sa 18 laro sa Fiesta Conference at 10.5 points, 3.3 rebounds at isang sixth league-best 4.6 assists sa 17 games para sa SLR dito sa nakaraang Philippine Cup.

    Tapos hetot tila umandar na naman ang kanyang topak.

    Walang lugar sa PBA ang unprofessionalism na ipinapakitang ito ni Cabagnot, kung may katotohanan ang mga balitang ito na ating nasagap. Pati mga kamag-anak niya rito sa Pilipinas ay tiyak na mapapahiya sa kanyang pagiging pasaway.

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #808
    tuwang tuwa dito ngayon sa nag yari na ito ang dati niya na manager
    (Charlie Dy ata ang name ),pinag isipan pa na gusto lang kumita malaki percent makuha sa deal nila ,kaya umalis si Alex non iyon pala ,
    likas na pasaway pala si player
    daddy na yata ni ALex nag handle ng career ni cabagnot sa PBA
    (baka mawalan na pala ng career)

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #809
    Quote Originally Posted by BoEinG_747
    tuwang tuwa dito ngayon sa nag yari na ito ang dati niya na manager
    (Charlie Dy ata ang name ),pinag isipan pa na gusto lang kumita malaki percent makuha sa deal nila ,kaya umalis si Alex non iyon pala ,
    likas na pasaway pala si player
    daddy na yata ni ALex nag handle ng career ni cabagnot sa PBA
    (baka mawalan na pala ng career)

    Sibakin na yang si Cabagnot! Hindi naman pala siya ganun ka-galing, gaya nung mga press releases noon.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #810
    what i dont like bout alex is he keeps bragging na he broke all the records of caguioa...
    ano na kaya balita kay mark caguioa. hinihintay pa rin sya ng mga bading at matrona na tumakbo sa baywalk haha....

PBA na ulit... (ARCHIVED)