Karamihan ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay nakaramdam ng ubo, sipon, lagnat, at masakit na lalamunan – kapareho ng mga sintomas na nararanasan kapag may trangkaso.
Pero dahil may ilang kaso na ng local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas, paano malalaman kung ang nararamdamang sintomas ay ordinaryong trangkaso o COVID-19?
Hindi madaling matukoy kung COVID-19 o trangkaso ang sakit ng isang tao maliban kung magpapasuri na sa ospital, ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire.
"Itong coronavirus have similar signs and symptoms with other flu viruses that we have right now," ani Vergeire.