
Originally Posted by
misseksaherada
OT: Swerte lang po ako sa parents ko Sir Archer.. Hindi po sila demanding, hindi din required na ako lahat ang magbayad.. Nataon lang na single pa ako and ako lang may gusto mag-provide (masaya po ako na provider ako).
Since hindi po kami mayaman, bata palang ako talagang iniisip ko na yung readiness sa pagtanda ng parents ko.. Isa na po dun yung itinuloy ko yung SSS ng mama ko.. Ngayon meron na siya sariling pension, binanggit ko kasi sa kanya nun na if magka-asawa na ako baka may time na hindi ko na mabigyan siya ng allowance.. Ngayon pensyonado na siya, di ko na siya need bigyan allowance (nauna pa pension niya sa pag-aasawa ko hahahahahaha [emoji23]) .. matatapos ko na din yung VUL nilang dalawa [emoji16].. If ever magkapamilya na ako ng sarili, sana ma-afford ko na magpa-sweldo ng caregiver para sa kanila.. Syempre hindi ko na idadamay magiging lifetime partner ko sa responsibility ko sa parents ko.. Wag niya lang silipin yung mga binibigay ko sa parents ko, wala kaming magiging problem.. Hehehe [emoji16]