Kahapon lang, I got a phishing call. From Legal daw sya ng GCash at tinatanong kung may pinipilit daw akong itransact na halagang 5k. During the call, sunod sunod na may pumapasok na OTP text ng GCash. Sasakyan ko sana yung tawag nya eh. Bibigyan ko ng mali-maling OTP hanggang sa mabwisit sya sakin. Eh pinalapag na ni misis yung tawag. Sayang. Ipaparecord ko sana sa kanya eh at ishe-share sa relatives for awareness. Ngayon pinaprocess pa ni GCash yung pag-unlock ng account ko.
Laman ng gcash ko mga 500 tops na lang. Dati umaabot ng 1k - 2k, nung libre pa magcash in sa shopeepay thru gcash. Nung may charge na, di na ko naglalagay ng malaki. Not sure kung pano sila namimili ng bibiktimahin. Bihira ako magsend ng pera thru express send eh. Most of the time eh by QR code ang transaction ko.
... this seeming wholesale acquisition of personal info...
is it possible, there is such a thing as a "back door" for IT personnel...?
that somehow, some un-authorized entity gained access to it...?
yung second SIM ko na pre-paid Smart eh minsan ko lang gamitin, for emergency pag walang signal yung Globe ko. yun ang ginamit ko para maka register byenan ko sa GCash para sa mga cash gifts sa senior citizens ng Makati. lately eh nakaka receive ako ng spam texts na may name pa ng byenan ko. wala akong ibang pinag register itong SIM ko. nabenta pa yata yung data hehe
Shopee at lazada delivery lang kumpleto pangalan at mobile number...
Sent from my 2107113SG using Tsikot Forums mobile app
Dahil sa nabasa ko iniba ko name format ko sa Facebook and Viber..
Yung sa messages na may kasama name, sa Shopee galing.. Iba kasi name format ko dun..
Kaunti lang spam messages ko sa Smart Postpaid ko.. Yung sa Globe Corporate na number ko dati, grabe!!
Nakakalimutan ko bumili ng Gomo prepaid sim [emoji28]..
Hello,
Baka po meron may kilala sa smart enterprise na pwede mag complain? Meron kasi kami new line application for new employee nung July pa kaso hanggang ngayon wala pa ni isang reply saamin. Yung relationship manager naman namin walang kwenta at walang silbi kasi di pa panahon ng renewal ng account namin.
Did everyone receive their annual free points na? (Globe) Sep 30 is the last day so I claimed P500 Marks and Spencer voucher. Before it used to be 917 points now it's 500 na lang. Kung kelan mas kumikita ang Globe binawasan pa rewardsI'm still thankful though I get to buy something yearly for free
![]()
Ah I also got 500 points lang din. May mga 300+ points pa pala ako na hindi ko nagagamit hehe.
Mas sulit nga actually mag redeem sa Lazada kasi 500 points lang din para sa P500 Lazada wallet. Pag sa Shopee 525 points e. Kaso may mga pending akong binili sa some online selllers na gamit nila Shopee checkout para mura lang shipping fee. Kaya Shopee na lang kinuha ko hehe.