Sir Boybi, kamusta na problem mo sa Corporate/Enterprise Account nyo sa Sun/Smart?
Update kita dahil nagandahan ako sa Customer Service ng Globe [emoji41].
Ito yung timeline sa quick summary:
Wed April 27 - Nag-request ako ng termination sa GlobeOne Mobile App.
Wala ako agad natanggap na response, automated acknowledgement lang sa email. Para sure, nag-punta ako physical branch.
Sat April 30 - Physical Branch, di nila na-solve issue ko dahil Enterprise/Corporate Account pala. Assigned Account Manager pala dapat ng company.
Tue May 3 - Naka-receive ako ng email na meron na TicketID yung report ko, then start na ng exchange emails namin for account verification and confirmation nung request.
Pagkatapos ng labing dalawang palitan ng email..
Thu May 5 - Disconnected na ang number ko.
Total = 6 Business Days lang, tapos na yung Disconnection process.
Naghihintay na lang ako ngayon ng final bill para mabayaran ko kung meron ba ako naiwan pa na dapat bayaran..
Plano ko pala sana ilipat sya sa personal account (TROW = TRansfer of OWnership) kaso binigyan ako ng mahabang listahan ng requirements.. [emoji28] Pina-disconnect ko na lang..
Slight, nainis ako sa mahabang requirements.. Kung TROW, dapat ID na lang at proof of billing address.. Yung ibang requirements parang over na.. Wala naman mababago kundi yung Account Type lang at billing address (from company address to personal address).. Anyway, hindi na din importante yung rant ko.. Pina-disconnect ko na lang ang bilis pa!! Meron naman ako SMART Postpaid, ito talaga yung ginagamit ko dahil ang lakas ng signal dito sa amin ng Smart (back up internet ko sa work in case of emergency) ..
Tiningnan ko kanina sa GlobeOne App, automatic nawala na yung account na pina-disconnect ko.. Sinubukan ko mag-call, wala na signal.. May message "Cannot connect to mobile network".![]()





Reply With Quote

