Actually last year nagikot ikot ako sa mga slum area gawa ng charity services namin, tapos yun nga nagtanong tanong ako preferences sa voting ng mga tao. Ayun karamihan sa masang pinoy maka duterte pa rin. Ang usual dahilan na narinig ko eh its because of SAP na first time in history may philippine president nakapaglabas ng bilyon bilyong piso para ipamahagi direct cash injection sa mga naghihirap. In hindsight, naging parang vote buying pa yung covid crisis dahil lalong napabilib mga masang pinoy kay gongdi kahit na resulta naman talaga ng kapalpakan ng government kaya kinailangan ng SAP. Naisahan nanaman tayo ni gongdi dun kaya di rin ako nagulat na ang taas pa rin ng rating at survey rank niya eh nagpaulan ba naman ng cash alam niyo naman ang masang pinoy kahit nga 500 pesos iboboto at full support ka na, what more kung 8k php!
Mas may impact ang physical cash money sa balita ng corruption.. Saklap naman talaga, nasabay pa ang National ID project na meron agad option na magkaroon ng Landbank bank account..
Milyon pa naman sa mahihirap na wala bank account, tapos nagkaroon na sila under Duterte administration..
Sana lang yung mga walang National ID na yun, hindi din bumuboto [emoji28] at hindi umabot sa registration kasi wala ID..
Naku ang masaklap niyan silang mga masang pinoy yung masipag bumoto at magparehistro! karamihan sa anti dds na middle class maingay sa soc med pero tamad na tamad magparehistro eh, gaya na lang ng mga family members ko hanggang ngayon di pa rehistrado! haha
btw ask ko lang diba pag 2 consecutive election ka di bumoto, tsaka magiging invalid registration mo? kasi yung parents ko di nakaboto nung 2019 election at nung barangay election. Kasama ba barangay election sa bilang nung 2 election na yun or di naman required pag barangay election ang isa sa dalawang election na namiss?
Hindi nagsisinungaling ang survey, na challenge na ni fernando at gordon yan. Talaga ganyan ang ugali ng pinoy, parating in denial, lalo na pag hindi pabor sa akala nila.
Kahit mga stalwart ng LP nag aabandon ship na. Pag hindi pa ninyo naintindihan ibig sabihin niyan, eh .........![]()
Ano masama kung magkaroon ng govt sponsored bank account ang mga mahihirap na pinoy ? Sa ibang bansa may ganyan din silang programa. Porket ba mahirap dapat bawas karapatan nila kumpara sa mga nakakaangat. Tsk tsk ganyan pamanaw ninyo tapos magagalit kayo kung bakit may erap at duterte.
Good news yan Sir GD, na-misinterpret mo yung binanggit ko.. Government project yan, hindi dahil kay Duterte.. Kahit sino pa naging President, dyan talaga patungo yung ID system natin.. And yes tama ka, huli na ang Pilipinas sa centralized ID.. Baka mali pagkakatanda ko, pero na-introduce na yan before pa sa administration ni Duterte (paki correct na lang ako if mali natandaan ko, hindi na ako nag-Google)..
Ang sakin lang, baka akala ng iba si Duterte na naman ang utak ng National ID Project.. Kaya nahiling ko na lang na sana yung mga nag-akala kay Duterte yung Project, sana hindi na lang din maka-boto kung ang reason lang naman nila ay yung National ID at Landbank Account..
Dyan kayo lacking ang appreciation kung paano gumagana govt programs. Hindi presidente nag iisip nyan. Siya lang ang taga implement. Bakit sa panahon ni duterte na implement yan, kasi tulog yung dating presidente. Saka hindi pwedeng pamadali sa dating presidente kasi utang na loob natin sa kanya na tinanggap niya pagka presidente.
Isang example nyan yung railway sa bulacan, panahon pa ni pandak, na noynoying, ngayon kay duterte nasimulan, kangino ngayon accomplishment yan?
Tama ba ako o mali? Hinusgahan nayan nung 2016 , 2019 at sa 2022.
IskOng pala sa 2022. He may be biting off more than he can chew, abangan ang susunod na kabanata.